Advertisers
Dead on the spot ang isang lalaki nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sikatuna Village sa Quezon City, noong Martes ng gabi.
Ayon sa ulat mula sa Anonas Police, nakasakay sa isang motorcycle taxi ang biktima nang malapitan siyang pagbabarilin ng gunman sa kanto ng V. Luna extension at Anonas, bago sila tumakas.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa mukha at leeg ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Kwento ng kaanak ng biktima na tumangging magpakilala, kalalaya lang ng lalaki at kalalabas lang sa Camp Karingal. Pauwi na sana ang biktima nang mangyari ang krimen.
Nakulong siya dahil sa kasong pagnanakaw.
Ayon sa motorcycle taxi rider na sinakyan ng biktima, nagbook ang lalaki ng biyahe papuntang Cavite.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente.