Advertisers
Mukhang di na kapani- paniwala ang mga survey results na nagsusulputan sa ngayon.
Nagmumukhang pera- pera na!
‘Yung mga kliyente ng mga survey firms na kadalasan ay mga law at PR firms ng mga kandidato ang siyang nagdidikta sa resulta.
Gaya ng latest Pulse Asia survey para sa labing dalawang (12) kandidatong tatakbo sa pagka- senador sa 2025 elections.
Ilang sa mga ito ang reelectionists at ilan naman ay mga comebacking senators.
Masikip talaga ang laban dahil dose (12) lamang ang ihahalal na papasok sa tinaguriang Magic 12 at marami dito ay mga “asong gala” ng administrasyong Marcos.
Umaalingaw nga ang pasabog ng maimpluwensiyang madam sa Malacanang na kaya niyang gawing 12- 0 ang mananalong senador ng administrasyon.
Ha ha ha?
Landslide pa!
Sana all.
Ang tindi talaga!
Ibig sabihin,bukod sa mga reelectionist senators gaya nina Bato Dela Rosa,Bong Go, Francis Tolentino,Pia Cayetano at Imee Marcos na pawang kilalang kaalyado ng mga Duterte, tatalunin din ng ticket ng mga Marcoses ang mismong dating Pangulong Rodrigo Duterte?
Ano sila sinusuwerte!
Mismong si Madam LAM daw ang nagpahiwatig sa 12- 0 scenario na ito.
Hahaha!
Milagrosa talaga si Madam LAM.
Mahilig gumawa ng milagro!
Going back sa latest Pulse Asia survey na binabanggit natin for 2015 senatorial preferences ay si Partylist Congressman Erwin Tulfo ng ACT- CIS ang nasa number 1 spot kuno followed by former Senate President Tito Sotto,reelectionist Sen.Pia Cayetano,journalist Ben Tulfo (?), number 5 is FPRRD, reeletionist Sen.Bong Go sa number 6,reelectionist Sen.Imee Marcos,the renegade presidential ate sa number 7 position, comebacking Sens.Manny Pacquiao and Ping Lacson sa 8th at 9th spots,number 10 is Isko Moreno,11 & 12 are reelectionist senators Bato Dela Rosa at Ramon Bong Revilla Jr.
Sabi ng ating impormante,istratihiya lang muna ang mga resulta sa mga surveys na ito para sa isang tinatawag na “ mind conditioning” oplan na magko- commence before Christmas and New Year kung saan dadausos ng husto sa rankings/ standings ang mga Duterte candidates that includes the former president himself, Tatay Digong.
Malaking pondo umano ang inilaan para dominahin at bilhin ang mga resulta ng mga lalabas ng surveys na ang tatayong mga subscribers o kliyente ay mga kilalang PR at law firms identified with the Marcoses.
Well, patikim pa lamang ito ng malawakang Oplan na pina- plano ng mga nasa Malacanang.
Pahabol nga pala,si Pacquiao ay kumpirmado nang sa ticket ng mga Marcos tatakbo bukod sa mga Tulfo at iba pang sikat na personalidad
Kung magkakatotoo ang binitawang pahayag ni VP Inday Sara Duterte,tatakbo naman to beef-up the senatorial ticket ng mga Duterte sina Cong.Polong Duterte at Mayor Baste Duterte.
Sa senaryong ito, maghahalo balat sa tinalupan.
Magtutuos ang langis at tubig sa madugong labanang ito.
This 2025 midterm elections will definitely separate the men from the boys.
Kung sino ang langis at kung sino ang tubig,it is for all of us to know very soon.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com