Advertisers
Tipong wala ng maisip na paraan ang mga bumabatikos sa magandang pamamalakad ni Quezon City 5th District Congressman PM Vargas, at tila parang sirang plaka na paulit ulit ang alegasyon sumasakit na tuloy ang tenga ng taongbayan magpakita kasi kayo ng pruweba at huwag umasa sa bayaran at mapanirang Social Media.
Wala namang ibang gagawa nito mga Ka Usapang Hauz kundi ang mga kalaban sa pulitika ni Cong. Vargas, yung tipong uubusin ang resources na naipon, katas yata ng COVID-19 Vaccine at ilegal na droga isama na rin natin ang POGO ang pinamumudmod sa name your prize SocMed.
Tanging ang Ghost Flood Control Projects mga Ka Usapang Hauz ang ikinakabit kay Cong. Vargas na matagal ng pinabulaanan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi involved ang kongresista sa nasabing usapin kung saan ang lahat ng mga proyektong may kaugnayan sa pagbaha sa kanyang distrito ay nagawa at nakumpleto.
Para sa ikalilinaw ng kaisipan ng mamamayan at hindi yung kasiraan na nababasa sa mga Facebook page na gawa ng bayarang social media influencers ay nakakuha ang mga Ka Usapang Hauz ng mga dokumento na nagpapatunay na walang ghost flood control projects ang distrito 5 ng Q,C.
Mula sa tanggapan ng DPWH Quezon City 1st Dist. Engineering Office District Engineer (DE) Loida S. Busa binigyan tayo ng kopya ng mga Certification of Completion na naging proyekto ng kasalukuyang kongresista PM Vargas.
Narito ang mga talaan ng proyektong natapos at hindi nakabinbin tulad ng mga nakikita sa FB page, unahin natin mga Ka Usapang Hauz ang Rehabilitation of Flood Control Structure sa Brgy. Pasong Putik Q,C, na may kabuoang halaga ng P 38,213,500, Construction of Flood Mitigation Structure at Brgy. Nagkaisang Nayon Q,C, na nagkakahalaga ng P 47,468,263.62, Rehabilitation of Various Roads, Brgy. Sta Monica Q,C P 48,509,793.65, Rehabilitation of Flood Control Structure (Phase II) Brgy. Gulod Q,C P 48, 019,705.02.
Kabilang pa sa mga natapos na proyekto at ito’y hindi Ghost ay kinabibilangan pa ng Rehabilitation of Tullahan River and Tributaries (Phase 2) Fairview, Novaliches Quezon City P 48,998,800.34, Rehabilitation of Food Structure, Kaybukot Creek, Brgy. Gulod Q,C, P 28,157,584.94, Rehabilitation of Flood Control Structure Brittany Annex, Brgy. Sta Monica Q, C P 48,996,448.32, Construction of Flood Control Structure Along Tullahan River Bagong Tulay, Brgy. Gulod Q, C P 48,416,798.62, Rehabilitation of Flood Control Structure at Tullahan River at Brgy. Nagkaisang Nayon, P 19,387,374.21.
Sa palagay ng mga Ka Usapang Hauz ay matitigil na ang paulit ulit na alegasyon ng mga kalaban sa pulitika ng Action Man Cong. PM Vargas hinggil sa Ghost Flood Control Projects dahil mayroon siyang katibayan at ito ay dokumentado at hindi yung Mema May Masabi lang ang mga detractors.
Isama na rin natin ang iba pang accomplishment ni Cong. Vargas na kinabibilangan ng Construction of Flood Control Structure at Brgy. Novaliches Proper, Quezon City P 48,458,879.03, Rehabilitation of Flood Control Structure at Tullahan River, Brgy. Nagkaisang Nayon P 19,387,374.21, Construction of Flood Control Structure Along Tullahan River and Tributaries Brgy. Gulod, Q,C P 143,273,224.75,.
Hindi na siguro kailangan pang dagdagan pa ang listahan ng mga proyekto ni Cong. Vargas mga Ka Usapang Hauz dahil malinaw pa sa sikat ng araw na merong pinanghahawakang resibo ang kongresista at hindi puro “Singaw” ang ibinabatong alegasyon.
Bilang patunay mga Ka Usapang Hauz nakasaad sa Certification of Completion na iginawad ng DPWH Q,C 1st Dist Engineering Office sa tanggapan ni Vargas ang pangungusap sa wikang english na, This is certify that the above stated project has been satisfactorily completed in accordance with plans and Specifications of the Contract based on final Completion Inspection Report of the Inspectorate Team.
This Certification does not relieve the Contractor of his Obligations and Responsibilities in Undertaking Repair works on any defects that may occur in any section of the project during the one-year defects liability period starting from the date of completion as herein stated. Neither is he relieved of his obligations and responsibilities pursuant to the provisions of R.A. 9184,
Signed by Arturo L. Gonzales OIC District Engineer and Loida S. Busa Former Dist. Engineer DPWH Q,C 1st DEO.
‘Yan ha, malinaw naman po mga Ka Usapang HAUZ, sing linaw ng sikat ng araw ang ibinabatong putik kay PM Vargas ay walang basehan at pawang paninira lamang.
Para sa mga Ka Usapang Hauz, ebidensya at hindi ingay sa pulitika o walang basehang paratang ang magsasabi ng totoo, at hindi lang siya ang nagsasabing dapat pairalin ang patas na proseso kundi ang taong bayan.
Dapat patas, makatarungan, at walang halong impluwensya ng emosyon o social media hysteria ang pagpapakalat ng maling impormasyon, Dahil sa panahon ngayon mga Ka Usapang Hauz napakadaling husgahan ng taong bayan sa isang viral post lang sabog ang iyong ginawang magaganda sa lipunan.
Ang mas nakalulungkot mga Ka Usapang HAUZ ilang nagsasalita laban kay Cong. Vargas ay may mga sariling bahid din ng kontrobersiya.
Mantakin ninyo, kung wala namang ebidensya, kung puro paratang lang, e hindi ba’t dapat tigilan na ‘yang trial by publicity.
Sa huli mga Ka Usapang HAUZ, kung gusto talaga nating mahanap ang katotohanan, dapat nating igalang ang proseso. Kasi sa lipunang ito na puro ingay at panghuhusga, eh ang tunay na lakas ay hindi nasa paratang, kundi sa dokumento.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036