Advertisers
“LAHAT ng Filipino ay may dugong Chinese,” ito ang madamdaming giit ni Nikki Coseteng, isang dating senadora. “Ngunit,” – may kalakip na malaking pasubali ang kanyang pahayag – “hindi nangangahulugan na kampi ang mga Filipino sa China.”
Kinilala ni Nikki ang matinding alab ng damdaming makabayan ng bawat Filipino sa lumalalang panunuwag ng Peking sa usapin ng West Philippine Sea. Nanawagan si Nikki na ipaglaban ng bawat Filipino ang kapayapaan at pagkakaisa sa pakikipagtunggali sa China sa pangangamkam ng huli sa ilang bahagi ng karagatan ng bansa.
Kinilala ni Nikki ang magkatuwang na kasaysayan ng Filipinas at China, bagaman hindi ibig sabihin na papayag ang bansa na magpailalim na nais ng Peking at kamkamin ang ating teritoryo. Isang malayang bansa ang Filipinas at hindi nito nais na pangibabawan ng sinumang bansa ang kapangyarihan na tahakin ang sariling landas ng kinabukasan at kaunlaran.
Malinaw ang mensahe ni Nikki sa kanyang account sa social message. Aniya: “We don’t want war. Such a conflict would deeply affect Chinese Filipinos, who have strong ties to both nations. War would bring unnecessary suffering and discord to our communities.” Kinilala ni Nikki na hindi magdudulot ng kabutihan sa bansa ang digmaan kahit kanino.
Isang kaibigan ang nagtanong kay Nikki kung ano ang ibig biyang sabihin sa kanyang post sa social media Ito ang sagot niya: “We all have Chinese blood, whether we admit it or not. What’s frightening is that in the end, we might end up hurting and fighting each other.”
***
ISANG malaking tagumpay ng pakikipagsalamuha ang kasaysayan ng mga Tsinoy (o Tsinong Pinoy) sa bansa. Dinala ng mga sinaunang Tsino ang kanilang mabuting kaugalian at ibinahagi sa mga katutubong Filipino. Naging matibay na haligi ng lipunang Filipino ang mga Tsinoy, aniya. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga Tsinoy sa lipunan.
“It’s important to remember that we are not enemies,” ani Nikki Coseteng. “Chinese Filipinos have long been part of the social fabric of the Philippines, contributing to its culture, economy, and progress. We share the same dreams and aspirations as every other Filipino, seeking peace and prosperity for our nation.”
Sa panahon na hinahati ang mundo sa mga makabayang damdamin ng bawat bansa, maiging maunawaan na nababatay ang katiwasayan at katatagan ng bansa sa ginagampanang papel ng mga Tsinoy. Ipinaalam sa atin ni Nikki na may karaniwang pangarap ang sangkatauhan upang magbuklod-buklod. Nanawagan siya sa katahimikan sa ating relasyon sa iba’t-ibang bansa kahit sa China na patuloy ang panunuwag sa atin.
Magbubunga na maraming masamang epekto ang lumalalang tensyon sa ating relasyon sa China. Magugulo ang buhay ng maraming Filipino, aniya. Mauuga ang katatagan ng rehiyon ng Silangang Asya, aniya. Mas maigi na buksan ang pakikipag-usap at pakikipagtulungan sa kanila.
Ani ni Nikki: “Chinese Filipinos are Filipinos at heart. Our loyalty and love for the Philippines run deep,” Coseteng asserts. “We cherish the harmony and unity that define our nation, and we firmly believe that peaceful dialogue and cooperation are the paths to resolving any disputes. Let us work together to ensure a future free from the shadows of war.”
Bukod diyan, may panganib na lumala ang karahasan. Aniya: “We don’t want Filipinos fighting against Filipinos. It happened in other countries. Individuals who looked like Chinese are killed, harassed, and bullied,” Binanggit niya ang nangyayari sa Indonesia at Myanmar kung saan sinaktan ang mga taong napagkamalang may lahing Intsik batay sa kanilang anyo.
Binigyan diin ni ni Nikki Coseteng ang pangangailan ng katahimikan at katatagan ng bansa upang sama-samang tahakin ang landas ng kaunlaran. Aniya: “As tensions between China and the Philippines continue to rise, it is imperative to embrace peace, unity, and dialogue, so that we can ensure a future that honors our shared history and builds on the strengths of our diverse communities. The path to a better future lies not in conflict but in cooperation, understanding, and mutual respect.”
***
HINDI mapipigil ng Comelec ang mga kandidato na gumamit ng artificial intelligence (AI) sa kampanya ng 2025 midterm elections, ani Lito Averia, epe ng National Movement for Free Elections (Namfrel), isang private watchdog na pangunahing tungkulin ang manmanan ang bawat halalan sa bansa. Nandito na sa bansa ang AI at tiyak ng gagamitin iyan ng mga kandidato upang pabanguhin ang sarili at manalo sa halalan.
Ngunit maoobliga ng Comelec ang mga kandidato na sabihin sa madla na ginamit ang AI sa anuman propaganda material ng bawat kandidato, ani Averia sa Kapihan sa QC na ginanap sa Mangan Tila Restaurant sa Kyusi. Kailangan isaayos ng Comelec ang isang malinaw na disclosure policy hinggil sa paggamit ng AI.
Hindi sinabi ni Averia kung paano isakatuparan at ibababa ng Comelec ang ganyan polisiya. Ngunit nilinaw niya isa ito sa usapin na pinag-usapan noong nakaraang Huwebes sa pagitan ng mga opisyales ng Comelec at stakeholders kasama ang Comelec. Isa ito sa isang umimbulog na polisiya, aniya.
Nilinaw ni Averia na patuloy na makisangkot ang Namfrel sa mga susunod na halalan kahit nawala na ang manual count ng mga halalan at napalitan na ito ng automated election system (AES). Patuloy na makisangkot ang Namfrel sa mga polisiya kung paano tutuparin ang mandando ng AES. Kasamang igiginiit ng Namfrel na magkaroong resibo ang bawat botante ng kanilang balota sa susunod na halalan, aniya.
***
MGA PILING SALITA: “There comes a point in your life when you need to stop reading other people’s books and write your own.” – Albert Einstein
“What defines the kind of human being we are is how we treat even the smallest of God’s creatures.” Leila de Lima