Advertisers

Advertisers

2 babaeng pulis ‘minanyak’! CONG. TEODORO SWAK SA RAPE

0 7

Advertisers

APAT na bilang ng Rape Through Sexual Assault at isang bilang ng Acts of Lasciviousness ang isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Marikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro sa Marikina City Regional Trial Court noong Huwebes, Agosto 13, 2026.

Nag-ugat ang mga kaso sa magkahiwalay na reklamo ng dalawang babaeng pulis na nagsilbing security aides ni Teodoro sa magkaibang panahon.

Sa inihaing resolusyon, sinabi ng DOJ na may probable cause with reasonable certainty of conviction upang kasuhan si Teodoro. Inirekomenda nito ang pagsasampa ng apat na magkahiwalay na information para sa ‘rape through sexual assault’ sa ilalim ng Article 266-A, paragraph 2 ng Revised Penal Code at isa pang information para sa ‘acts of lasciviousness’ sa ilalim ng Article 336.

Batay sa mga sinumpaang salaysay ng mga complainant na unang naiulat noong 2025, hindi umano minsanang insidente lamang ang kanilang naranasan.

Ayon sa unang policewoman, nagsimula ang sexual advances ni Teodoro ilang araw lamang matapos siyang ma-assign bilang security aide nito. Inakusahan niya ang dating Marikina mayor ng paulit-ulit na hindi kanais-nais na paghawak at sexual advances habang ginagampanan niya ang kanyang trabaho bilang close-in security.

Ang ikalawang policewoman naman ay unang naka-assign bilang security aide ng asawa ni Teodoro bago kalaunang mailipat sa kanya.

Sa kanyang salaysay, inakusahan din niya si Teodoro ng mga insidente ng non-consensual na sexual touching at sexual assault habang naka-duty siya bilang security aide.

Magkahiwalay ang panahon ng pagkaka-assign ng dalawang policewomen kay Teodoro at magkahiwalay rin nilang isinalaysay sa mga awtoridad ang kanilang naranasan.

Lumabas din sa mga reklamo ang alegasyon na hindi lamang ang dalawang policewomen ang nakaranas o nakasaksi ng umano’y inappropriate sexual behavior ni Teodoro. Isinama ng mga complainant sa kanilang mga salaysay ang kanilang mga obserbasyon tungkol sa pagtrato nito sa ibang babaeng empleyado.

Mariing itinanggi ni Teodoro ang lahat ng akusasyon, tinawag ang mga ito na “malicious and untrue” at “politically motivated”.

Sa kabila ng kanyang depensa, nagpasya ang DOJ na may sapat na basehan upang dalhin sa korte ang mga reklamo at hayaang litisin ang mga kaso.