Advertisers

Advertisers

PBBM, Polish President nagpulong sa Malakanyang

0 28

Advertisers

TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Polish President Karol Nawrocki ang pagpapalakas pa ng ugnayan ng Pilipinas at Poland sa kanilang bilateral meeting sa Malakanyang nitong Martes, Oktubre 6.

Ayon kay Pangulong Marcos, lumawak na sa nakalipas na dekada ang kooperasyon ng dalawang bansa, kabilang ang seguridad at depensa, kalakalan at pamumuhunan, agham at teknolohiya, food security, turismo at paggawa.

Kasama rin aniya sa mga prayoridad ang academic at cultural exchanges, gayundin ang pagtutulungan sa mga regional at multilateral fora para sa pagsusulong ng rule of law sa international relations.



Samantala, sa kanyang panig, sinabi naman ni President Nawrocki na may matibay na pundasyon ang relasyon ng Pilipinas at Poland para itaas ito tungo sa strategic partnership.

Binigyang-diin ng Polish leader ang pagkakapareho ng dalawang bansa sa pagpapahalaga sa soberanya, seguridad, matatag na ekonomiya, ligtas na kalakalan at maritime routes, gayundin sa isang international order na nakabatay sa international law.



Ayon pa kay Nawrocki, bukas ang Poland sa mas malapit na kooperasyon sa Pilipinas para mapalakas ang seguridad at katatagan sa Europe at Indo-Pacific. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">