Advertisers
UMABOT na sa mahigit P5.5 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na epekto ng matinding El Niño.
Batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 201,322 na mga magsasaka at mangingisda ang direktang naapektuhan at nawalan ng pangunahing pangkabuhayan dahil sa tagtuyot.
Pinakamatinding tinamaan ng matinding katuyuan ang Rehiyon 2 (Cagayan Valley), na sinusundan ng mga rehiyon ng CALABARZON, Rehiyon 5 (Bicol), Rehiyon 9 (Zamboanga Peninsula), Rehiyon 11 (Davao Region), Rehiyon 12 (SOCCSK-SARGEN), at CARAGA.
Patuloy namang nagpapaabot ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang maipamahagi ang mga ayuda at alternatibong pangkabuhayan sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng sakuna.
Inaasahan din ang mas pinahigpit na monitoring sa mga lugar na patuloy na nakararanas ng kakulangan sa tubig upang maiwasan ang mas malaking pagkalugi sa mga susunod na ani.