Advertisers
NAHAHARAP sa mga reklamo ang bise alkalde at dating alkalde ng Magalang, Pampanga kaugnay ng isang proyektong pabahay para sa mga mahihirap na pamilya na nanatiling hindi naitatayo kahit na milyun-mil-yong bayad na sa amortisasyon ng mga magiging benepisyaryo.
Tumulong ang Volunteers Against Crime and Corruption sa pagsasampa ng mga reklamo laban kina Vice Mayor Eller Pecson at dating Mayor Romulo Pecson sa Tanggapan ng Ombudsman nitong Lunes.
Ang mga Pecson, na umano’y nagpasimula ng proyektong pabahay, ay nahaharap sa mga reklamo kabilang ang graft, grave misconduct, serious dishonesty, abuse of authority, at conduct prejudicial to the best interest of service.
Sinabi ng abogado na si Jerome Asperin na 1,706 na ang nagrereklamo, marami sa kanila ay inilarawan niya bilang mga kapus-palad na umaasang maging may-ari ng bahay sa pamamagitan ng proyekto.
Isa sa mga nagreklamo ang nagsabing ang mga benepisyaryo ay nagbayad ng tinata-yang P10 milyon na buwanang amortisasyon sa loob ng mahigit dalawang taon simula 2019.
“Nandoon parin ang damo sa lugar. Walang naihatid, kahit isang hollow blocks,” ayon sa complainant na si Solomon Roque.
Hinimok ni VACC President Arsenio “Boy” Evangelista ang Ombudsman na imbestigahan ang kaso.