Advertisers
YES po… animnapung milyong (60M) Pilipino ang kasalukuang nabubuhay sa matinding kahirapan.
‘Yan ang pabaong balita ng latest SWS survey sa kalagayan ng pamumuhay nating mga Pinoy sa ilalim ng administrasyong Bongbong Marcos Jr.
Fifty eight percent ng total na populasyon ng bansa ang hilahod ang uri ng pamumuhay salungat sa magarbo at magastos na party- party na idinaraos on a regular basis sa Palasyo ng Malacanang.
Twenty million pesos (PHP 20M) naman ang kabuuang budget na ginastos para sa ika-3 State of the Nation Address ( SONA) ng administrasyon ito kahapon lamang na ginanap sa Batasan Complex sa kabila ng sangkaterbang pamilyang sumasala sa oras at dumaranas ng gutom sa araw- araw
Ang di makakalimutang “campaign promise” ni Marcos Jr. noong mga panahong namamalimos pa ito ng boto na ibababa sa P20 ang presyo ng bigas ay isa ng pangakong napako at nabaon sa limot.
Ang mga litanyang binitawan ng pangulong mahilig mangako kahapon sa kanyang ika- 3 SONA ay makakatergorya na lamang bilang ” sweet talks & black lies” ng ating mga kababayang matiyagang nakinig sa pambobola at paglulubid ng kabintulaan sa bayan.
Lahat ng numerong iniulat ng bulaang Pangulo ay masarap pakinggan sa tenga ngunit napakapait lunukin at paniwalaan.
Ang pinakamasakit, paasa ito sa mga bagay na malabong mangyari at dumatal.
After the SONA,bahala na naman ang sambayanang Pilipino sa kanilang mga sarili.
Ika nga,back to reality naman ang kalbaryo ni Juan Dela Cruz.
Marcos Jr. talks about ideal world but never been in real world!
Paano n’yang mararamdaman ang paghihirap ng kanyang mga kababayan kung kahit minsan ay dito nito naranasang magutom at mawalan ng mga pangunahing pangangailangan.
Kung patuloy siyang mamumuhay sa karangyaan at unlimited privilege?
Dobleng dagok sa ating mga naghihirap na Pilipino ay ang patuloy na pagdidisplay ng luho,garbo at kayabangan ng pamilyang pinagpala.
Ang patuloy na pagbaha ng masasarap na pagkain at imported na alak sa loob ng Malacanang tuwing may asalto o party na hino- host ang mag- asawang Bongbong at Liza Marcos kasama ang kanilang mga piling panauhin is adding insult sa ating mga kapwa Pilipinong nagdarahop.
Nagpapakita ng pagiging ingrato at sobrang yabang!
Nakakalimutan na marahil ng mag- asawang ito na ang Malacanang Palace ay nananatiling People’s Palace at never naging private residence ng mga Marcos o ng nino man kaya di nila dapat babuyin at balahurain!
Marapat lamang na ipreserba ang dangal at dignidad ng sagradong lugar.
Pahihirapan nyo pa ang susunod na magiging Pangulo sa ginagawa nyong ‘yan mga animal!
It will be a very hard task/ effort for the next president to sanitized and exorcised Malacanang Palace after the exit of the so- called evils.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com