“Maganda ang pasok ng pondo ngayon, kumpara sa mga nakaraang taon” – Mayor Honey
Advertisers
“MAGANDA ang pasok ng pondo ngayon, kumpara sa mga nakaraang taon.”
Ito ang iniulat ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pag-anunsyo niya ng mga pagbabago sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng mas mahusay na sistema na susuporta sa mga programang nakalinya na magpapabilis sa koleksyon ng lungsod pati na sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo.
Binigyang papuri din ng alkalde ang mga hakbang na ginagawa ng revenue-generating departments, bureaus and offices para ma-digitize ang kanilang operasyon upang tiyakin na lahat ng pondo na para sa lungsod ay pupunta talaga dito.
Nagpasalamat din si Lacuna kay City Treasurer Jasmin Talegon at sa 300 na kalalakihang at kababaihan na kasama niyang nagtatrabaho para sa mas mabilis na sistema ng tax collection.
Sa pagsasatinig ng sinabi ni Talegon na “every peso counts,” ay sinabi ni Lacuna na: “Napakaraming obligasyon ng ating pamahalaan, kaya tama ang sinabi ni Mam Jaz na bawat isang piso o limang piso ay napakahalaga na pumasok nang tama sa ating lungsod.”
“Sa mga pagbabagong inyong mararanasan sa mga susunod na linggo at buwan, makatitiyak kayo na ang mga ito ay malaking tulong para sa ating lungsod,” dagdag pa niya.
Ipinahayag din ni Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay nakapagtatag na rin ng sistema na magiging available na rin kung saan ang lahat ng vital information ay makakatulong sa fiscal standing ng lungsod at matutukoy ang areas of primary concern.
Nagpahayag din siya ng suporta sa lahat ng mga hakbangin ng mga departments, offices and bureaus sa pagdi-digitized
“Lahat ay gusto nang ma-digitize to ensure na papasok talaga ang lahat nang dapat para sa lungsod. Patunay nito ang mas mataas na koleksyon ngayon kung ikukumpara sa mga nakaraang taon,” saad ni Lacuna.
“Sa ilalim ng aking pamamahala, lahat ng inyong makikitang pagbabago, tiyak na para sa ikabubuti ng lungsod,” giit pa nito.
Sinabi ni Talegon na ang online payment collection ng taxes ay nakatulong upang makuha ang collection target at nagawang mas mahusay at mabilis ang city’s collection kaysa noong mga nakaraang taon. (ANDI GARCIA)