Advertisers
TINATAYANG nasa 800,000 kilograms na naglalaman ng ibat-ibang pagkain o relief goods na donasyon ng bansang United Arab Emirates para sa mga naapektuhan ng Bagyong Carina at Habagat ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City.
Ang food aid ,lulan ng UAE cargo plane ay sinalubong ng mga Opisyal ng gobyerno at ilang Representative ng United Arab Emirates Embassy kabilang sina Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investment, Secretary Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary of Interior and Local Government (SILG) Atty. Benjamin Abalos Jr. ; UAE Ambassador Mohamed Obaid Alqattam,at Reichel Quiñones, Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs.
Ayon kay Sec. Gatchalian, nagpapasalamat sila sa mabilis na tulong na pinaabot ng UAE government at agad nilang ihahatid ang food aid para sa mga kababayan na naapektuhan ng kalamidad sa bansa.
Idinagdag pa ni Gatchalian na sa utos ni Pangulong BongBong Marcos, ang DSWD ay nakapagbigay agad ng halos 1 milyon family food packs.
Ang mga donasyon mula sa UAE ay 2,464 pack bags of 900-gram milk, 5-kg flour, 400-gram tea, 5-kg rice, 1.5-liter oil, 1-kg red lentils, 1-kg peas, 1-kg dates, 375-mg tang powder, 500-gram oats, 850-mg tomato paste, 2-kg sugar, and 1-kg salt. The donation also includes 4,928 packages and cans of 400-gram pasta, 400-gram sweet corn, 400-gram green peas, 400-gram red kidney beans, 400-gram and 9,856 cans of 170-gram tuna and chickpeas. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)