Advertisers

Advertisers

P113k shabu nasamsam sa Caloocan

0 38

Advertisers

Naaresto ang isang drug suspect nang mahuling lunalabag sa city ordinance sa Caloocan.

Kinilala ang suspek na si alias “Buboy”, 45-anyos ng Caloocan City.

Sa isinumiteng ulat kay Caloocan police chief PCol.Paul Jady Doles, 11:45 ng gabi ng maaresto sa Robes 1, Brgy.175 Camarin, Caloocan City ng mga tauhan ng CDA Police Sub-Station (SS-11) CCPS habang nagsasagawa ng anti-criminality at foot patrol .



Napansin ng ororidad na naninigarilyo sa eskinita ang suspek na labag sa city ordinance ng lungsod.

Mabilis na tumakbo ang suspek nang makita ang papalapit na pulis upang isyuhan ito ng Ordinance Violation Receipt (OVR) subali’t agad na nahabol din.



Habang iniimbestigahan at kapkapan ng pulisya, nakuha sa kanyang posesyon ang 16.7 grams, na may SDP value na P113,560.

Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspect sa piskalya.( Beth Samson )

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">