Advertisers
Ni Jovi Lloza
INALAM at inurirat ng mga Maritess kung ano nga ba raw ang dahilan ng pagkakatsugi ni Ivana Alawi sa action serye na Batang Quiapo ni Coco Martin.
Unang kadahilanan ng kampo ni Ivana ay napagod daw ito sa taping.
Pero may mga sitsit naman ang mga chuwariwak at ibinuking nila ang tunay na dahilan ng pagkakatigbak kay Ivana sa BQ.
Sey ng aming chika belle na uma- attitude na nga raw ang socmed actress influencer na siyang dahilan ng pagkakatsugi nito sa nasabing action serye.
Mabilis nakahanap ang team ni Coco ng kapalitan ni Ivana after nito matsugi sa action serye.
Nagpalasamat ng bonggang bongga ang ipinalit kay Ivana sa katauhan ni Kim Domingo. Nag thank you si Kim sa buong team lalo na kay Coco sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang bagong makakasama sa Batang Quiapo.
***
Dingdong Dantes pinagsawaan na ng manonood
WALA na ba raw ibang host ng bagong franchise show na The Voice?
Yes, ang The Voice ay mapapanood na sa GMA-7.
May ilang kalahok na ipinakita on screen na sasalang sa bakbakan ng kantahan.
Pero napansin ng netizens na tila si Dingdong na naman ang magho-host ng nasabing talent search ng Kapuso.
Kaya napa comment itong netizens na wala na ba raw iba na puwedeng mag host ng singing talent search?
Si Dingdong na naman, nakakasawa at nakakaumay na.
Katuwiran ng netizen na araw araw na raw ito napapanood sa Family Feud plus meron pa siyang Amazing Earth tuwing weekend.
Kaya naman umay na umay na ang netizen kay Dingdong tapos siya pa rin ang magiging host ng The Voice.
Well, well, well…’Yun na!