Advertisers
HINDI lahat na mga kagawad ng San Pascual Police Office at maging ng Batangas Police Force sa kabuuan ay tamad o walang alam sa mga nangyayari sa kanilang area of responsibility (AOR). Mabibilang lang sa daliri ang mga pulis na ginagawa ang kanilang mandato at may pakialam sa kanilang nasasakupan.
Natural lamang na may mga negatibong komentaryo at pabulaanan na may kuta ng burrikian sa hurisdiksyon nina San Pascual Mayor Antonio Dimayuga at Police Chief Major Ricky Malinao Fornolles at may naganap doon na barilan sa pagitan ng dalawang nagmo-moonlighting na police bodyguard ng lider ng sindikatong buriki upang mapagtakpan ang tunay na larawan sa kanilang lokalidad at area of responsibility (AOR).
Likas na ugali na yata ng nakararami sa mga “men in uniform” ang pagsisinungaling o pagtanggi kapag nabubuko o napupuna upang mapagtakpan na sila ay kumikita at nagpapagamit sa sindikato ng buriki na kumikilos sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Banaba, San Pascual, Batangas na hindi kalayuan sa tanggapan ni San Pascual Police Chief Major Ricky Malinao Fornolles. Paano nila mapapasubalian ang ebidensya ng larawan ng nababakurang burikian nina alyas Delzon Adik aka Etring, alyas CJ Pilar aka Agojo at Efren? Negative kaya?
Para sa mga nagkokomentaryo sa FB o messenger, ang kuta ng buririkian ay matagal nang inirereklamo pagkat lubhang mapanganib na magkaroon ng pagsabog at sunog ang mga nakaimbak na nakaw na krudo, gasolina, maging highly combustible A1J et Fuel sa matagal nang inooperate ng mga drug pusher ding sina Delzon Adik alyas Etring, alyas CJ Pilar aka Agojo at Efren.
Tiyaga at lakas ng loob ang puhunan ng SIKRETA upang makunan ng litrato ang nababakuran ng galvanized iron sheet (yero) na burikian ng naturang sindikato, na pinag-iimbakan din ng mga smuggled na petro at agricultural product at iba pang kontrabandong dapat ay ibinabayad ng buwis sa pamahalaan.
Payo ng SIKRETA sa ilang mahikero at protektor na pulis na matindi ang pagtatakip upang ikubli kina Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., PNP Region 4A Director Paul Kenneth Lucas at maging kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang katotohanan, magbago at gawin ninyo ang inyong trabaho upang hindi makasuhan, makulong at matanggal sa serbisyo. Galit na galit sina PDGen. Marbil at DILG Secretary Benhur Abalos sa mga pulis na tiwali at protektor ng mga iligalista.
Bukod sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Banaba sa bayan ng San Pascual ay may kuta din ng buriki sina Delzon Adik alyas Etring at Efren kapwa taga bayan ng San Jose at Alyas CJ Pilar aka Agojo na taga Sto. Tomas City sa boundary ng Taal-Lemery Highway, malapit sa Pansipit River sa nasasakupan ng bayan ni Taal Mayor Fulgencio Mercado at Police Chief Capt. Rommel Magno.
Totoo naman kaya ang ipinagbabanduhan ng mga naturang ilegalista na may lingguhan silang “parating” kay Capt. Magno gayundin kay Mayor Mercado para sa kanyang re-election bid sa darating na May 2025 election?
Ang isa pang sindikatong nag-ooperate sa “ibabaw ng tungki ng ilong” nina Batangas City Police Chief LtCol. Jephte Banderado ay ang pinatatakbo ng Die Hard Supporter (DDS) na PNP Colonel at pekeng Sgt. Buloy sa harap ng main gate ng Batangas City Pier, sa Brgy. Sta Clara.
Ang naturang colonel at bogus na Sgt. Buloy ang nagmamantine ng multi-milyong colorum van at illegal terminal operation sa loob ng compound ng Batangas City Pier. Ang tiwaling colonel ay iniuulat na dating superior officer ni PD Col. Malinao Jr.?
Kapag napatunayang protektor ng naturang mga sindikato ang kanilang police chief, alkalde lalong lalo na sa mga bayan ng San Pascual at Taal at iba pang government official ay mananagot din sila bilang mga pangunahing akusado sa kasong Smuggling at Economic Sabotage na maaring isampa laban sa kanila. Nagtatakda ito ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa ilalim ng ating batas.
Isang Amang ang nagpapatakbo ng burikian sa lalawigan ng Cavite partikular sa Brgy. Bancal sa siyudad ni Carmona City Mayor Dahlia Loyola. Si Amang ay kanang kamay ng lider ng Violago Group na nakabase sa probinsya ng Bulacan. May mga burikian din ang Violago Group sa mga bayan ng Mariveles at Limay sa lalawigan ng Bataan.
Ang notoryus na Violago Group din ang utak ng malawakang smuggling at buriki operation sa iba pang mga probinsyang nasasakupan ni PNP Region 3 Director BGen. Jose Hidalgo Jr. May mga burikian din sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal na atin ding tutukan. Abangan…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144