Advertisers

Advertisers

Saleslady pinatay sa loob ng nirerentahang bahay

0 38

Advertisers

Patuloy na tinitingnan ng pulisya ang posibleng mga salarin sa pagpatay sa saleslady ng isang mall habang nasa nirerentahang bahay ito sa Sitio Laguna sa Brgy. Bulacao, Cebu City nitong Biyernes, Agosto 2.

Ayon kay Police Major Jeciree Basitao, hepe ng Inayawan Police Station, bagama’t may mga natukoy na silang indibidwal na posibleng may kaugnayan sa krimen, hindi pa nila ito maikunsidera bilang mga suspek.

Nag-isyu si Basitao ng paglilinaw matapos na i-post sa social media ng kapitan ng barangay ang larawan ng kapitbahay ng biktima.



Sa kabila nito, aminado si Basitao na isa ito sa mga inimbitahan sa istasyon ng pulis para tanungin dahil siya ang isa sa mga nakadiskubre ng katawan ng biktimang si Charina Baoy Relativo.
Nilinaw naman na hindi pa ito ikinokonsiderang person of interest sa krimen.

Matatandaan na natagpuang hubot hubad at wala nang buhay ang katawan ni Relativo sa loob ng nirerentahang bahay nito sa Sitio Laguna, Brgy. Bulacao hapon ng Biyernes.



Sa imbestigasyon, sinabi umano ni Johnhjie Gaviola, common-law partner ng biktima, na inutusan niya ang kapitbahay ng biktima na pumunta sa nirerentahang bahay at silipin ito matapos na hindi na umano ito sumasagot sa text messages ng una.

Isinailalim na sa autopsy ang bangkay ni Relativo at hinihintay na lamang ang resulta nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">