HEROES’ WELCOME KAY YULO AT OBIENA NG MALATE AT TONDO, IKINAKASA NA SA MAYNILA
Advertisers
IKINAKASA na ng lungsod ng Maynila ang isang ‘grand heroes’ welcome hindi lamang para sa isa, kundi para sa dalawang residente ng Maynila na nakapagdala ng karangalan sa lungsod sa pamamagitan ng pag-ani ng medalya sa 2024 ParisOlympics, kung saan ito ay katatampukan ng isang ticker-tape parade at pagbigay ng mga parangal gaya ng cash incentives para kay double gold medalist Carlos Edriel Yulo ng Malate at Ernest ‘EJ’ Obiena ng Tondo.
Inatasan na ni Lacuna ang mga may kinalamang unit ng pamahalaang-lungsod na ihanda ang gaganaping aktibidad pati na rin ang pakikipag-ugnayan sa mga public at private schools sa lungsod nang sa gayon ay payagan ang mga estudyante na saksihan ang parada at makita nang personal sina Yulo at Obiena.
“The two are now public figures that the students may look up to for inspiration and the heroes’ welcome will be the city’s manifestation of support, to honor their unique talents, dedication and outstanding contribution to Philippine sports,” ani Lacuna.
“Caloy and EJ exemplify what our youth can achieve through dedication, discipline, and community support. Their victories and unwavering spirit will always be a source of pride for the City of Manila,” dagdag pa ng alkalde.
Sinabi ni Lacuna na talaga namang ipinagmamalaki ng lungsod ng Maynila ang pagkakaroon ng dalawang magagaling na atleta na residente at nagpakita ng talento sa 2024 ParisOlympics.
Napag-alaman na P2 milyon ang igagawad kay Yulo o P1,000,000 para sa bawat gold medal na napalunan nito sa floor exercise at vault events habang si Obiena, na nakakuha ng fourth place sa pole vault finals, ay tatanggap naman ng P500,000.
Si Yulo, na residente ng Leveriza in Malate, ay nag-aral sa Aurora A. Quezon Elementary School at nag-kolehiyo sa Adamson University. Siya ay ilang ulit nang kumatawan sa Maynila sa Palarong Pambansa.
Si Obiena naman ay nag-aral sa Chiang Kai Shek College at pambato ng UST-Manila sa UAAP. (Andi Garcia)