Advertisers

Advertisers

Gilas Women sasabak sa World Cup pre-qualifiers

0 11

Advertisers

SIMULAN ng Gilas Pilipinas Women ang layunin na makapasok sa FIBA Women’s Basketball World Cup, sa pagsabak sa pre-qualifiers na nakatakda sa kigali, Rwanda.

Ang Pilipinas ay nakahanay sa Group C at makakaharap ang Brazil sa Agosto 19, Hungary sa Agosto 20,at Senegal sa Agosto 22 sa Pre-Qualifying Tournament.

Goup D ay bonobou ng host Rwnda,Great Britain, Argentina, at Lebanon.



Ang top two teams bawat grupo ang maglalaro sa crossover semifinals, ang mananalo ay abante sa FIBA Women’s Basketball World Cup 2026 Qualifying Tournament.

Ang qualifying tournament ay gaganapin sa Marso 2026 kung saan ang top six teams mula sa Europe, Americas,at Asia, ang top four sa Africa, at two teams mula sa pre-qualifiers ang mag rarambulan.



Gilas Pilipinas ay ipaparada ang 11 players sina Jack Animam, Afril Bernardino, Janine Pontejos, Ella Fajardo, Kacey Dela Rosa, Khate Castillo, Camille Nolasco, Naomi Panganiban, Stephanie Berberabe, Louna Ozar, at Kristal Yumul.

Bago ang pre-qualifies, ang Gilas Women ay sumabak sa 43rd William Jones Cup kung saan nagtapos fourth place.



Sumabak rin ang Filipinas sa Pinoyliga Cup at nagwagi ng championship bago tumuloy sa Baguio City para sa kanilang training camp.