Advertisers
Kulong ang tatlong tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang babae nang masakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kina alyas Burog, 32, at alyas Jomar Baba, 33.
Ayon kay P/Capt. Genere Sanchez, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.01 grams ng shabu na may standard drug price value na P68,068.00 at buy bust money.
Nauna rito, 11:13 ng gabi nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni Capt. Sanchez si alyas “Ligaya” sa buy bust operation sa Goldrock St., Brgy San Roque.
Nasamsam sa kanya ang nasa 1.57 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,676.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)