Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang kargador nang mahulihan ng hinihinalang shabu nang sumidline sa iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Apolonio Samson Quezon City, noong Biyernes ng madaling araw (Agosto 16).
Kinilala ang nadakip na si Lorenzo Ruiz, 35, binata, at residente ng no. 60 Old Samson Road Street, Brgy. Apolonio Samson,QC.
Sinabi ni PCpl Paul Christian Alilaen investigator nadakip ang suspek sa kahabaan ng Old Samson Road, Brgy. Apolonio Samson, QC 3:30 ng madaling araw noong Agosto 16, 2024 (Biyernes).
Ayon sa investigation ni Cpl. Alilaen nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Police station 1 Laloma laban sa suspek na si Ruiz makaraang makatanggap ng impormasyon sa pagkakasangkot umano nito sa illegal na droga.
Nabatid pa sa ulat isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga operatiba ng Laloma police laban sa suspek at nagpanggap na posuer buyer si PCpl Bonifacio Amistoso at sa tulong ng confidential informant bumili ang mga ito ng halagang P500.00 ng iligal na droga ang huli kay Ruiz .
Matapos iabot ang droga agad dinakma ni Cpl. Amistoso at Cpl. Angelo Biel Paulino ang hindi na nakapalag pa na suspek.
Nakuha rin sa suspek ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastis sachet na tinatayang 4 grams at may street value na P27, 000.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)