Advertisers
Naaliw si Aling Barang sa opening ceremonies ng 49th season ng PBA sa Araneta Coliseum noong Linggo. Kakaiba kasi ang presentation. Kumanta at nagsayaw mga player at may mga guest artist din. Klik na klik si Robert Bolick sa bahaging ito. Tapos may pagpupugay rin sa mga atleta natin sa Paris Olympics. Nandoon ang mga bronze medalist na sina Nesty Petecio at Aira Villegas. Yung dalawang boksingera pa nag- toss ng bola sa jump ball
Aliw si Barang nang makipagkulitan pa ang palabirong si Nesthy kay James Laput ng Magnolia
May conscious effort ang liga na hikayatin ang mga fan na manood ng live sa venue. Bukod sa four’point shot na si Chris Banchero ang pinakaunang nakagawa ay may karaoke contest pa para sa mga tagahanga.
Pero teka bakit kaya hindi sila sinipot ni Carlos Yulo na panauhing pandangal sana.
***
Sa kontrobersya nina Caloy Yulo at ina niya ay naalala ni Tata Selo bigla si Manny Pacquiao at mga magulang nito.
Ang ama ni Manny ay pinapahalagahan pa rin ng pambansang kamao kahit iniwan sila noong bata pa sila. Pinapanood pa niya ito ng laban sa Estados Unidos. Si Aling Dionesia naman regular ang suporta financially at emotionally ng kampeon sa boxing.
Sana raw magkasundo-sundo na ang pamilya Yulo
***
Sa opening game pa lang ng Governors Cup ng PBA noong Linggo ay nakita na natin ang kahapagshan ng 4-point shot.
Lamang ng tatlo ang Meralco sa huling mga segundo kaya tumira si Glenn Robinson III ng Magnolia mula sa 27 feet para maipanalo ang laro. Kaso nagmintis at na-rebound ni Allan Durham na pinaoul naman agad. Naishoot pa niya ang dalawang charity shot para sa final score.
Galing sa timeout ang Hotshots kaya four point play talaga gusto nila for the win.
Ngayon mas mahigpit na ang last 2 minutes kahit pa malaki ang kalamangan ng leading team.
Kung behind ng pito ay dalawang kuwatro lang yan para magwagi ang trailing na koponan sa dulo.