Advertisers

Advertisers

PBA sinaludohan ang Team Philippines sa Season 49 opener

0 16

Advertisers

BINIGYAN ng angkop na pagkilala ng PBA ang atleta na kumatawan sa Pilipinas sa nakarang Paris Olympics bilang bahagi ng kanilang Season 49 opener Linggo.

Pinamunuan nina Bronze-medalist boxers Petecio at Aira Villegas ang national team membes na dumalo sa ceremonies n ginanap bago magsimula ang laban sa pagitan ng Meralco at Magnolia sa Araneta Colesium.

Ang two-time Olympic medalist,Petecio ay hindi maikaila na fan favorite, tumanggap ng cheers at pagsamba mula sa fans habang pumapasok sa court.



Pero siyempre, ang iba pang Team Philippines athletes ay nagpakita ng pagmamahal sa kanilang pagsisikap sa pamamagitan ng pag wagayway ng Philippine tri-colors sa sports’ grandest stage.

Gymnast Aleah Finnegan, na nag silbing muse ng Meralco Bolts sa parade of teams, ay pinagdiwang rin.



Dumalo rin sina tracksters John Cabang Tolentino at Lauren Hoffmann; judoka Kiyomi Watanabe; at rower Joanie Delgaco.

Absent ay ang double gold medalist Carlos Yulo, bagamat ang gymnast great pa rin ang nakatanggap ng pinakamalakas na sigaw ng papuri kapag binanggit.



Ang iba gaya nina pole vaulter EJ Obiena, golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina, fencer Sam Catantan, at swimmers Jarod Hatch at Kayla Sanchez, nalaktawan ang honoring rites dahil bumalik na sa bansa kung saan sila nakabase.

Wala rin ang boxers sina Eumir Marcial, Carlo Paalam, at Hergie Bacyadan, pati ang weightlifting troika nina Sarno, Ando, at Ceniza.