Advertisers

Advertisers

Ex-VP at manager ng bangko, kulong sa pamemeke ng loan accounts

0 11

Advertisers

Hinatulan ng pagkakakulong ang dating opisyal ng nagsarang Surigao City Evergreen Rural Bank Inc. dahil sa paglabag sa Revised Penal Code, General Banking Law of 2000 at New Central Bank Act ng Regional Trial Court at Municipal Trial Court in Cities.

Batay na rin ito sa isinampa na reklamo ng Bangko Sentral ng Pilipimas laban sa akusadong si Arnel Bernales na napatunayang guilty sa mga kaso.



Sangkot umano si Bernales sa pamemeke ng 9 na loan accounts at pagsisinungaling sa listahan ng pautang na isinumite sa regular na pagsusuri ng BSP sa naturang bangko.

Pinarusahan si Bernales ng 5 taong pagkakakulong sa bawat isa sa 10 bilang ng pagbibigay ng huwad na pahayag at 6 na buwan hanggang 2 taon at 4 na buwang kulong bukod sa multang 2-libong piso sa kada bilang ng 9 na kaso ng pamemeke ng dokumento ang parusa laban sa akusado.(Jocelyn Domenden)