Advertisers

Advertisers

Employer ‘di nagbigay ng tamang sahod ginapos, ninakawan ng 2 trabahador

0 11

Advertisers

Kulong ang 50-anyos na pintor at tinutugis pa ang kasawat nito nang igapos at pagnakawan ang employer sa Quezon City.

Kinilala ni PLt. Col. Romil Avenido. hepe ng Batasan Police Station (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa naaresto na si Alvin Maca­linao Arzaga, 50, pintor at residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City

Sa report, 11:20 ng umaga noong Agosto 20, puwersahang pinasok ng mga suspek ang tahanan ng amo sa No. 7, 3rd Floor, Digos St., Brgy. Batasan Hills, sa lungsod habang armado ng patalim.



Agad na iginapos ng packaging tape ng mga suspek ang kanilang amo at iba pang mga kasama nito sa bahay at tinangay ang dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P13,000, isang iPad na nagkakahalaga ng P16,000, at P4,000 cash, gayundin ang mga ID at ATM card saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Sa kabila nito, nagawa naman ng biktima na makakalas sa pagkakatali at agad na nagsumbong sa PS-6.
Mabilis na nagres­ponde ang mga operatiba ng PS-6, kasama ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QPCD sa pamumuno ni PMaj. Don Don Llapitan, at nadakip si Arzaga sa San Roque St., Barangay Holy Spirit, noong Agosto 23, alas-4:40 ng hapon.



Nabatid na nagawa lamang umano ng suspek ang pagnanakaw nang hindi tumupad ang kanilang employer sa napagkasunduang kabayaran para sa kanilang trabaho.

Inihahanda na ang kaso laban sa pintor habang patuloy na pinag­hahanap ng pulisya ang kasabwat nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">