Advertisers
Kung tutuusin ay kahanga-hanga ang PAKIKIPAGKAIBIGAN NG DUTERTE CLAN dahil ipagtatanggol niya ang mga kapanalig subalit tila masusuklam naman ang sambayanan dahil kriminal.man ang kanilang mga kaibigan ay kanila pa ring po-protektahan tulad na lamang sa kinakaharap ngayon ni KINGDOM OF JESUS CHRIST (KOJC) PASTOR APOLLO QUIBOLOY.
Si QUIBOLOY ay nahaharap sa mga kasong CHILD ABUSE, SEXUAL EXPLOITATION, HUMAN TRAFFICKING at iba pa na inihain ng kaniyang mga dating miyembro na nakabase rito sa ating bansa at ang iba naman ay nakabase sa ibang mga bansa.., kaya naman, ang pagtungo ng mga operatiba ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) sa compound ng KOJC sa DAVAO CITY ay upang isilbi ang WARRANT OF ARREST laban kay SELF PROCLAIMED SON OF GOD.
Ang sitwasyon sa naturang lugar ay sumugod din ang DUTERTE CLAN para sa pagpapakita ng suporta sa KOJC at etong si VICE PRESIDENT SARA DUTERTE ay nagpahayag na ang iniaakusa kay PASTOR QUIBOLOY ay pamumulitika lamang.., hehehe e sino ngayon ang namumulitika para makuha ang simpatiya at boto ng sinasabing 8- milyong kasapi ng naturang sekta?
Eto namang si SENATOR BATO DELA ROSA ay tila nanggagatong pa ng pag-aaklas laban sa gobyerno dahil OVER KILL daw ang raid sa halip na himukin si PASTOR QUIBOLOY na sumuko at harapin ang mga iniaakusa sa kaniya.., na alam naman ni SEN. BATO na ang sinumang may kinakaharap na kaso ay dapat humarap sa korte.., ika nga NO ONE IS ABOVE THE LAW pero dahil sa pamomolitika ay siyempre magpapakita itong si SEN. BATO na concern kuno sa KOJC para sa sunod na eleksiyon ay muli siyang iboto hehehe.
TO THE RESCUE rin si EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE kay PASTOR QUIBOLOY.., para ang kaniyang kinakaharap na mga pang-aabuso sa kapangyarihan ay maibaling sa iba ang sitwasyon na lalo pang ipinag-iingay ang pagbibigay proteksiyon sa kaniyang dating SPIRITUAL ADVISER upang makaligtaan ng SAMBAYANAN ang mga iniaakusa laban sa kaniya base sa mga status na nakakalap mula sa CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARING.
Nariyang manawagan pa ang mga ito katuwang sina dating SPOKESPERSON ATTY. HARRY ROQUE at SANDRA CAM para maudyukan ang sambayanan na maglunsad ng PEOPLE POWER dahil nais ng mga ito na mapatalsik na si PRES FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR at ang ipalit ay si VP SARA.., sa gayun ay maipagpatuloy ng mga ito ang paghahari ng DUTERTE CLAN katuwang ang CHINESE DRUG SYNDICATE at ang POGO SYNDICATE.
Nakikita ngayon ng sambayanan ang KABUKTUTAN sa DUTERTE CLAN na silang mga kinikilalang lider ay marapat lamang na ang kanilang ipairal ay ang TRUE JUSTICE at huwag gamitin ang mga kawawang tagasunod o miyembro ng KOJC para sa pansarili nilang interes., ika nga, may nag-aakusa na biktima ng mga pang-aabuso ng matataas na personalidad na dapat ay maipataw ang hustisya sa mga kawawang biktima.., na HINDI PO USAPING PANGRELIHIYON ITO KUNDI KRIMEN NG ISANG LIDER ANG ISYU RITO!
Ika nga.., sa korte magdepensahan at ang mga POLITICIAN ay huwag magbulagbulagan at magkampi-kampihan sa pagtatakip ng anumang krimen., sa halip ay kumbinsihin po ninyo si PASTOR QUIBOLOY na harapin ang mga iniaakusa sa kaniya at ang mga PULIS ay ginagampanan lamang nila ang kanilang MANDATO.., ipairal ang “NO ONE IS ABOVE THE LAW” kung nagkasala ang sinuman kahit ang pinakamataas pang lider ay dapat papanagutin sa mga nagawang pang-aabuso o krimen!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.