Advertisers

Advertisers

Caloy excited magpapiktyur kay Coco pero inisnab ang Kapuso stars

0 15

Advertisers

Ni Archie Liao

TALK of the town ang courtesy call ng two-time Olympian gold medalist na si Carlos Yulo sa ABS-CBN.

Bongga ang pagsalubong ng nasabing network sa world-class gymnast.



Sa welcome sa kanya, pinuntahan din siya ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin para batiin.

Bukod dito, nag-request pa ang atleta na magpa-selfie kasama si Tanggol.

Ibig sabihin, faney na faney talaga ni Caloy si Coco.

On the other hand, nagkaroon naman ng espekulasyon na magkakaroon ng guesting ang kontrobersyal na Pinoy pride sa serye ni Coco na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa X social media naman, nagpahayag ang isang online Kapuso site ng tampo sa nasabing atleta dahil tila mas excited daw ang huli na ma-meet si Coco kesa sa mga talents ng Kamuning.