500 sa 896 bgys., napagsilbihan na ng ‘Kalinga sa Maynila’ ni Mayor Honey
Advertisers
IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna na halos 500 sa 896 barangays sa lungsod ay napagsilbihan na kanyang administrasyon na walang iba kundi ang lingguhang “Kalinga sa Maynila” program kung saan ang mga pangunahing serbisyo ng Manila City Hall ay literal na dinadala sa mga residente sa pamayanan para sa kanilang kaginhawahan.
Sa kanyang pagsasalita sa ‘MACHRA Balitaan’ news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association, Lacuna, si Lacuna na nagsilbing panauhin kabilang din si Vice Mayor Yul Servo, ay nagsabi na sa bawat nasabing ‘Kalinga,’ may 2,000 residente ang direktang napagsisilbihan kaugnay ng kanilang pangangailangan.
Si Servo, na naroon din sa bawat ‘Kalinga’ ay nagsabi na laging tinitiyak ng alkalde na isama ang lahat ang kanyang mga pinuno ng departments, bureaus at mga tanggapan sa Manila City Hall para direktang tugunan, sagutin at pakinggan ang mga reklamo, usapin, kahilingan at katanungan lalo na ng mga senior citizens, persons with disabilty at solo parents.
Ang mga pinuno na laging naroroon ay pinuno ng mga mga sumusunod: Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, Public Employment Service Office – City of Manila, Manila Office of Senior Citizens’ Affairs, Manila Veterinary Inspection Board at ang City Treasurer’s Office. Maging ang Manila Police District chief na si Gen. Arnold Thomas Ibay at mga station commander sa mga areas concerned ay naroroon din.
Bilang karagdagan, iniutos din ni Lacuna ang paglalagay ng help desks sa labas mismo ng lugar kung saan ginagawa ang programa para sa mga specific concerns ng mga residente. Ang mga serbisyong ipinagkakaloob ng libre sa mismong lugar kung saan partikular na ginawa ang ‘Kalinga’ ay ang mga sumusunod:: medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle/parking registration, PWD/solo parent/senior citizen ID, clearing/flushing operations, water/electricity/building permit inquiries, notary services, police clearance, at job vacancies.
Sinabi ni Lacuna na ang ‘Kalinga sa Maynila” program ay layuning dalhin sa tarangkahan ng mga residente ng bawat barangay ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Sa ganitong paraan ay hindi na kailangan pang pumunta ng City Hall ang mga residente, dahil dito ay ‘di na sila mapapagod at makakatipid pa sila ng oras at perang gugugulin sa pamasahe. (ANDI GARCIA)