Advertisers

Advertisers

MARBIL, HIDALGO BULAG, PIPI AT BINGI SA PAIHI NG VIOLAGO GROUP!

0 1,846

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

NABULABOG ang Philippine National Police (PNP) nang ibunyag ng tinaguriang “poster boy” ng Duterte war on drug na si Lt. Colonel Jovie Espenido na “biggest crime group” ang police organization dahil sa direktang pagkakasangkot sa madugong laban sa droga at iba pang mga iligal sa bansa.

Kaagad namang pinabulaanan ni PNP Chief, General Rommel Francisco Marbil, ng mga regional commander at iba pang Camp Crame police officials ang pagbubunyag ni Espenido, at ipinaliwanag na kung may mga scalawag man sa hanay ng PNP ay iilan lamang ang mga ito.



Pinuna naman ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) ang pagiging “balat sibuyas” ni Marbil at kapwa police officials. Anila, may bahid ng katotohanan ang isiniwalat ni Espenido na resource person at sentro ngayon ng imbestigasyong isinasagawa ng House Quad Committee tungkol sa nangyaring kabuktutan ng nakaraang liderato.

Sa kabilang banda, ayon sa MKKB, may malaking pananagutan ang PNP kung bakit may mga “bugok na itlog”, scalawag o kriminal sa kanilang hanay. Dahil pinabayaan o napabayaan ang ilang opisyales at subordinates na maging masamang elemento ng lipunan. At kung may dapat na sisihin ay walang iba kundi ang Chief PNP pababa sa regional, provincial, city at town police commanders.



Ginawang halimbawa ng naturang anti-crime and vice group ang deka-dekada nang operasyon ng ‘Violago Goup’ na pinamumunuan nina alyas “Goto”, “Bogs” at “Cholo” na kaya nagagawang mag-operate ng smuggling, paihi at illegal drug trade ay dahil sa ibinibigay na proteksyon ng ilang opisyal ng pulisya mula sa Camp Crame pababa sa regional, provincial command at maging city at municipal police levels, kapalit ng regular na “payola”.

Sina Goto, Bogs at Cholo ay kilalang smuggler ng petroleum products, paihi financier at sangkot din sa kalakalan ng iligal na droga na ang sentro ng operasyon ay ang mga lalawigan ng Bataan at Bulacan dahil nagkalat ang mga kuta nila sa dalawang nabanggit na probinsya at sa ibang lalawigan na nasasakupan ni PNP Region 3 Director, Brig. General Jose Hidalgo, Jr.



Sa halos tatlong dekada nang operasyon, na sinimulan ng “Tatay Panong” nila at ni “Malyn”, sa mga bayan ng Mariveles at Limay, Bataan ay malayo na ang narating ng smuggling at paihi business ng Violago Group dahil umabot na sa ilang lalawigan ng Region 4A CALABARZON at Metro Manila ang kanilang ilegal na negosyo.

Ilan sa matitibay at untouchable na kuta ng sindikatong Violago ay ang pinatatakbo nina Albert, Rose, Cabiling at Lito sa bayan ng Hermosa; Bogs at Pedro sa Limay; Juvy, Suya at Blade sa Mariveles; Ben at Imelda sa Abucay; Kap Velasco sa Limay at Brgy. Mabato, Orion ni Romy.

Ni-raid na ng mga operatiba ng NBI ang pinagkukutaan nina Juvy, Suya at Blade sa Mariveles, ngunit kaduda-dudang muling nakapag-operate ang mga ito.

Nasa bayan naman ng Bustos, Plaridel, Meycauayan at San Rafael ang mga kuta sa Bulacan ng naturang sindikato. Isang Oscar at Ricky ang kumukolekta ng milyones na lingguhang “timbre” para sa pangalan ng mga tanggapan ng PNP Chief, ilang Camp Crame police officials, Region 3 Police Office, at National Bureau of Investigation.

Sa Brgy. Bancal, Carmona City naman ang pinakamalaking paihian ng Violago Group sa Region 4A, na bukod sa imbakan ng droga ay taguan din ng malakas na kalibre ng baril. Pinamamahalaan ito nina Amang at Goto.

Si Goto ay pinangalanan ni dating President Rodrigo R. Duterte na isa sa mga notoryus na narco-politician sa inilunsad noong war on drugs. Tila natutulog naman sa pansitan at walang kaalam-alam dito sina Cavite PNP provincial director Col. Eleuterio Ricardo Jr., at Carmona City police chief LtCol. Jefferson Ison.

Sa Lucena City ay nag-o-operate din ang “paihi” nina Bong sa likod ng Road Side In Motel, Brgy. Isabang; at Troy sa tabi ng highway, sa may malawak na palayan ng Brgy. Salinas, kapwa nasa hurisdiksyon nina Lucena City Mayor Mark Don Victor Alcala at Police Chief LtCol. Dennis De Guzman.

May paihian din ang Violago Group sa Brgy. San Luis, Guinyangan na ino-operate nina Sammy at Alfred.

Hindi pa naaaksyunan ang mga ito nina Quezon Gov. Angelina “Helen” Tan, at PNP PD Col. Ledon Monte.

Si. Col. Monte ay “poor performance” sa kampanya laban sa perwisyong paihi/buriki syndicate at umuugong na maari itong palitan sa puesto.

Isang Duterte Die Hard Supporter (DDS) naman na PNP colonel at bodyguard/hitman nitong “Sgt. Buloy” ang nagmamantine ng paihi malapit sa gate ng Batangas City Pier, Brgy. Sta. Clara.

Ang dalawang ito rin ang nag-o-operate ng colorum van at illegal terminal sa compound ng Batangas City Pier ngunit walang aksyon laban sa mga ito sina Batangas PNP PD Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., Police Chief LtCol. Jephte Banderado at mga city port official.

Ayon sa MKKB, ang patuloy na pagkunsinte at pakikipag-kutsabahan ng ilang tiwaling opisyales ng PNP sa notoryus na Violago Group ay halimbawa ng sinasabi ni Espenido na may namamayaning crime syndicate sa kapulisan, lalong-lalo na sa mga probinsya ng Region 3, Lucena City, Guinyangan, Quezon Province at Carmona City, Cavite.

Bilang PRO3 Director, si Hidalgo Jr. ay may malaking pananagutan sa pakikipag-kutsabahan ng karamihan sa kanyang mga subordinate sa sindikatong Violago, at ang napagbubuntunan ng paninisi ay ang liderato ni Gen. Marbil.