Advertisers

Advertisers

Head instructor ng NPA todas sa engkuentro

0 29

Advertisers

NASAWI ang isang head instructor ng New People Army (NPA) nang manlaban sa mga otoridad na maghahain ng warrant of Arrest sa South Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Noel Pamaong alyas “Lauro” at “Santi,” head instructor ng Regional Instructor Bureau ng NPA, na mayroon warrant of arrest sa kasong Multiple Attempted Homicide mula Regional Trial Court (RTC) Branch 26, 11th Judicial Region, sa Surallah, South Cotabato na may inirekomendang piyansang P120,000 noong Hulyo 2023
Ayon kay Lt. Colonel Ronald Suscano, spokesperson ng 6th Infantry Division, 8:30 ng gabi nang maghahain ng warrant of arrest ang pinagsanib na element ng 1st Mechanized Brigade at 603rd Infantry Brigade at South Cotabato, Provincial Police Office (PPO) sa Barangay Silway 8, Polomolok, South Cotabato.
Narekober ng mga opera-tiba sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre .45 na pistola at isang hand grenade.
Binigyang-diin naman ni Brig. General Edgar L. Catu, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, ang kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon ng mga puwersang panseguridad sa pagsasagawa ng mga law enforcement operations.(Mark Obleada)