Advertisers

Advertisers

MARIEL HUMANGA SA FULL GLAM NI RUFFA NANG IPANGANAK SI VENICE

0 16

Advertisers

Ni Beth Gelena

HUMANGA si Mariel Padilla sa full glam look ni Ruffa Gutierrez nang nasa ospital ito.

May throwback uploaded photo ang former beauty queen ng kanyang larawan nang ipanganak ang bunsong si Venice na ngayon ay nagselebreyt ng kanyang 20th birthday.



Sa instagram gallery photo na in-upload ng aktres-beauty queen ay mula nang ipanganak niya si Venice hanggang mag teenager na ito.

Nawindang si Mariel sa mga larawang ibinahagi ng celebrity mom.

Mariel could not help but be stunned by Ruffa’s Instagram gallery, where the latter greeted her daughter, Venice.

Ani Ruffa sa caption, “i can’t beleive that my youngest baby is no longer a teenager — Venice turns 20 today!”

Mensahe niya sa anak.



“To my @venicebektas, it seems like yesterday when i was holding you in my arms at Cedar Sinai and now your entering a new chapter in your life into adulthood with such grace, determination and confidence.

“Please continue to study hard and chase your dreams, even when times get tough. Keep going because your journey has just begun…”

“Happy 20th birthday to my youngest, beautiful baby girl. May you continue to blossom and inspire those around you. Your family will forever be here to guide you, hold your hand and support you all your endeavors. I am so grateful and proud to be your mommy. I wish i could hug you right now. I miss you so much and love you my Venezia! Be good!”

Ani Venice, “your baby girl forever”

Wala sa kanyang tabi ang anak dahil nasa ibang bansa at doon nag-aaral as a freshman student.

Komento ni Mariel, “2nd photo OMGGGG, Ate, naka-full glam ka sa hospital. Ikaw lang talagaaaaa.”

***

DAO MING SI AT SHAN CAI NG METEOR GARDEN
NAGREUNION
SA IT’S SHOWTIME

Viral ang Kalokalike ni Dao Ming Si sa It’s Showtime sa episode nilang

Kaloka or Kalokalike?

Si Dao Ming Si ang bida noon sa sikat na teleseryeng kinalolokohan ng netizens na Taiwanese drama series,

Meteor Garden kung saan si Jerry Yan ang gumanap.

Ang series ng MG din ang naging daan para makilala ang F4.

Sa.episode ay.nagkaroon sila ng reunion dahil hindi lang si Dao Ming Si ang naroroon kundi ang love interest niya sa series na si Shan Cai.

Ang nakakalokah, namamali sa pagda-dialogue si Dao Ming Si kaya naghahagalpakan sa tawa ang madlang pipol.

Sabi nga ni Vice Ganda, “Ang lakas mang-trip ni Diwata.”

Dagdag pa ni Meme, “Sa mga gustong maglipat ng channel di po namin kayo masisisi.”

Bale mini-reunion na rin ito ng well-loved characters through the Kalokalikes has just happened on Showtime.

***

MARTIN AT POPS ENJOY SA PAGIGING LOLO’T LOLA
KAY FINN

Enjoy sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa pag-aalaga sa kanilang apo na si Finn.

Ibinahagi ni Martin ang video kung saan karga-karga ni Pops ang kanilang apo

Makikitang pinapatulog nila ang kanilang apo na nagpapaantok. Sa caption, tinawag nina Martin at Pops ang kanilang sarili na “Lolli and Lilo” bilang mga proud na lolo’t lola.

Kinilig ang netizens at nagkomento ng kanilang saya para sa ex-couple na masayang nag-aalaga sa apo

Sa caption ng post ni Martin, makikita ang saya ng pagiging bagong lolo’t lola ng mga ito.

“You’re getting sleepy you’re getting sleepy, I’m getting sleepy… happy grandparents day! This a first for us. Now we can finally say, ‘always and forever Lolli and Lilo!’”

Komento ng netizen, “Bakit hindi na lang sila magbalikan? Bagay na bagay naman sila.”

May isa namang nagsabi, “Panalo si Finn. He will always and forever have Lolli and Lilo. So cute!!!”

“Proud grandparents! Nakakatuwa kayong dalawa, Pops and Martin.”

Magkasundung magkasundo nga ang dalawa sa kanilang bagong papel bilang Lolo at Lola kay Finn, at masayang ipinagdiwang ang Grandparents Day kasama ang kanilang apo.