Advertisers
Ni Beth Gelena
HUMIHINGI ng pasensiya si Regine Velasquez lalo na sa kanyang fans dahil sa pag-delay ng kanyang music video na ‘Di Sinasadya.
Aniya sa kanyang Instagram/X account, “Hello everyone, gusto ko lang sabihin na a lot of times na may nangyayari talaga na may mga delay kasi hindi lang naman ako ang magshoot nyan with my phone it’s a whole production.”
Paliwanag pa ng Asia’s Songbird, “pag nashoot na may editing pa plus kung may kailangan din i-consider ang schedule nila. I’m just grateful that i get to do a music video again coz as you all know mahirap na gumawa nyan dahil mahal.”
Alam daw niyang excited na ang lahat maging sila man kaya inaayos na raw ang lahat para mapanood na at mag-enjoy ang lahat.
“May mawawala ba sa inyo kung maghintay tayo ng konti,? tanong ng singer.
“Let’s try to practice patience.”
In the meantime, pakinggan na lang daw ang bago released song na Di Sinasadya.”
O di ba, ang galing sumegue ni Regine sa pagpo-promote ng kanyang bagong single, hahaha
Komento ng netizens, “Thank goodness times have changed. Naalala ko nung nineties e hinihirang nilang video vanguard kuno itong si Chona na ang music videos naman ay panay kurtina at pahiga higa sa sofa ala mariah directed by Louie Ignacio.”
***
RYAN NAPAREAK SA BAGONG POSTED PHOTO NI MAINE
MAY bagong post si Maine Mendoza sa kanyang Instagram Stories ng kanyang larawan kung saan mahaba ang kanyang hair.
Ang caption: “long day hair.”
Si Ryan Agoncillo, ang co-host ni Maine sa Eat Bulaga ay isa sa nagkomento sa kanyang posted photos.
Ani Ryan: “ayaw paawat ni misis.”
Komento naman ng ibang netizens, “Arjo has all the luck. He’s so blessed by God”
Epal naman ang comment ng netizen na ito.
“Of course kuha niya lahat ng yaman ni Maine.”
Pinagtanggol naman ng fan ang world class actor.
“Cong. Arjo is also wealthy. On top of that his acting talent is world class.”
“Next goal: maging kasing kinis ng kilikili ni maine”
“Ganda naman mrs nico flaukeson”
Korek ng commenter, “mrs atayde correction”
Kaya dami nagtanong kung sino daw yung Mrs. Flaukeson.
“Maine gusto na namin makita little mengay”
“Ang ganda ganda naman ni mrs atayde. Parang foreigner ang ganda ng eyes!”
“Kapag mendoza maganda talaga. MENDOZA! MENDOZA! (yan kasi ang laging sinasabi ni Maine kapag may Mendoza family na sumasali sa Gimme 5 nilang edition.
***
MAY posted na black and white photo si Andi Eigenmann sa kanyang Instagram Stories.
Ang kanyang stunning photo ay na-capture ng partner niyang si Philmar Alipayo at in-upload sa social media.
Ang caption ni Andi: “Been a while since I had my portraits taken. Although it doesn’t technically come with the job anymore, it’s nice to have fresh ones once in a while. To see the beauty that comes with aging. ~ ‘every year I sink deeper into this bath of unapologetic realness and it’s amazing.'”
Isang netizen naman ang nagkomento, claiming that there are people who have been calling Andi “dugyot.”
Flinex naman ni Andi sa kanyang Instagram Stories ang screenshot ng komento kung saan tinawanan lang niya ito.
“Ganda talaga Dugyot where? Mygash”
“Natural beauty is Andi Eigenmann”
“Andi wasn’t dugyot she needs to lessen her sun exposure so that she never had a skin cancer due to her skin complexion”
“Literal na ganda as in”
“Sunog na yung face ni andi pero maganda pa rin talaga”
Pagmamahal pang sabi ni Andi, “These photos are special because it’s lovingly taken by my mahal.”
“Maganda ka nga andie sana huwag mo pabayaan sarili mo sabi nila naging dugyot kana sayang naman pinalaki ka ng mama mo na halos di madapuan ng lamok at langaw now dugyot ang sabi nila syo.”
Reaksyon naman ng aktres, “HELLLLPPPPPP MEEEEE. I kenet breatheeee”.