Advertisers
Ni Archie Liao
KAHIT hindi na aktibo sa local showbusiness, nanatili naman ang koneksyon ni Sandara Park sa kanyang Pinoy fans.
Ang pagmamahal nito sa kulturang Pinoy ay isa sa mga dahilan kung bakit love pa rin siya ng masang Pilipino.
Pagkatapos na magbida niya sa mga pelikula sa Pinas, gumawa naman siya ng sariling pangalan sa Korea bilang miyembro ng bandang 2NE1.
Dahil din sa dami ng nagsusulputang girl bands, may kibitzers ding nagtatanong kung relevant pa siya at ang kanyang co-members sa millennials after nilang mag-disband noong 2016.
Sa pag-aanunsyo ng kanilang reunion concert sa Manila sa Nobyembre, masusubukan daw ang werpa ng Pambansang Krungkrung sa kamalayan ng mga Pinoy hinggil sa kanyang relevance.
Ito naman ang reaksyon ng netizens sa pagbabalik ni Sandara at ng kanyang co-members sa Pinoy concert scene.
“mmmmkkayyy….may hatak pa ba?”
“May hatak naman yan. Working class mga fans ng group na yan.”
” Uyyy marami…. and most ng fans nila ay may sapat na pera na pambili ng tickets sa concert hahahaha”
” Yes. And the Titas can afford.”
” Meron naman, sold out nga sila sa SK and Japan… Also reunion nila, nostalgic sa mga 2nd gen kpop tita fans like me.”
” Kayang punuin ng mga titas at mimas kahit anong arena pa yan. Nasa late 20s and up na majority ng fans ng 2ne1. Maraming budget ang mga accla hahaha!”
” They have loyal fans, even their korea concert had 400k + waiting to buy tickets”
Bukod kay Dara, ang 2NE1 ay binubuo rin nina CL, Minzy at Bom.
***
SB19, may ‘aamin’
WALANG takot na nagbigay ng kanyang prediksyon ang tinaguriang “Nostradamus of Asia” na si Jay Costura sa SB19, ang nangungunang P pop male group sa bansa.
Aniya, kahit inuulan daw ito ng kontrobersya ay patuloy naman ang pag-arangkada ng karera ng celebrity group.
May aamin din daw sa miyembro ng nasabing Pinoy boy band hinggil sa kanyang sekswalidad.
Gayunpaman, hindi raw maaapektuhan ang kasikatan ng SB19 kumpara sa BINI na nakikita niyang madi-disband.
Pahayag niya: “Magaling na K-pop group sa Pilipinas at nakikita ko naman na may mga issues with sexuality at may aamin sa kanila na hindi straight at kahit na may aamin ay wala naman akong nakikitang may crackdown ang grupo tulad ng nakikita ko sa BINI. Sa SB19 ay intact pa ang grupo nila.”
Matatandaang naging kontrobersyal kamakailan ang lider ng grupo na si Pablo nang aminin niyang crush niya si Keanu Reeves sa isang panayam.
Naging talk of the town naman ang pahayag ni Stell na keber siya kung anuman ang isipin ng tao sa kanya. Sey pa niya, kung sakali mang naging beki siya, hindi naman isyu iyon na lamang na sa kanya ang ibang tao.