Advertisers

Advertisers

LA at Kira patok ang tambalan sa “Maple Leaf Dreams”

0 20

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

TAGUMPAY ang advanced celebrity screening ng pelikulang Maple Leaf Dreams na idinaos sa Cineplex 11 Gateway 2 nitong nakalipas na Sept. 20.

Tinatampukan ito ang young loveteam na sina LA Santos at Kira Balinger na gumanap bilang magkasintahan sa pelikula.



Epektibo ang pagganap nina LA at Kira sa Maple Leaf Dreams lalo na sa mabibigat na eksena nila na nagsimula sa paninirahan nila sa Toronto, Canada para magtrabaho at upang matulungan ang pamilya na umangat sa buhay.

Masasabing patok talaga ang pagpapareha sa dalawa na kuha ang emosyon ng mga manonood.



Prodyus ito ng 7K Entertainment, Lonewolf Films at ABS-CBN’s Star Magic at mula sa direksyon ni Benedict Mique at panulat ni Hannah Cruz.

Bukod kina LA at Kira, nasa movie rin sina Snooky Serna, Joey Marquez, Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Bea Rose Santiago at Jong Cuenco.



Pinuri ng viewers ang pagganap nina LA at Kira sa Maple Leaf Dreams, ang away-bating relasyon nila bilang Molly at Macky partikular nang dumating na ang mga pagsubok sa kanila lalo nang mamatay ang ama ni Kira at gusto na nitong umuwi ng Pinas.

Sa kabila nito ay nanaig ang pagmamahal nila sa isa’t isa kasabay ng pag-unlad nila sa ilang taong pamumuhay sa Canada.

Tsika nga ni La, “Kahit maganda na ang buhay ng mga kababayan natin doon, lagi pa rin nilang sinasabi sa amin na mas gusto pa rin nila sa Pilipinas.”

Sey nga ng Fil-Canadian communities, excited aniya silang mapanuod ang pelikula dahil kwento nila ito.

Maraming Pilipino ang miss ang kanilang bayan at ang panonood ng Pinoy film na paraan nila para makakonekta sa Pilipinas.

“Hindi siya typical love story. Survival ito kung paano lumaban sa isang relationship, paano maging Pilipino sa ibang bansa at paano maging mahirap.”

Mapapanood na ang Maple Leaf Dreams simula sa Sept. 25 at sa Sept. 27 naman ay palabas na ito sa mga sinehan sa Canada.