Advertisers
I
Nasawi ang isang caretaker farm nang pagsasaksakin at hampasin sa ulo ng barbell ng poultry boy, sa bayan ng Balamban, Cebu city.
Kinilala ang biktima na si Marjun Andaya, nasa hustong gulang at stay-in caretaker sa Red Cave Poultry Farm sa Brgy. Biasong, Balamban.
Tugis ng pulisya ang suspek na kinilalang si Wen Bie De Lima, nasa hustong gulang at taga Tabango, Leyte.
Sa report ng Balamban Police Station, 5:30 ng madaling araw ng maganap ang krimen sa loob ng farm ng naturang lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang hanggang sa kumuha ng barbell ang salarin at pinaghahataw ng biktima.
Hindi pa nakuntento ang salarin at kumuha pa ito ng kutsilyo saka pinagsasaksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang salarin sa hindi malamang direksyon.
Nabatid, na may pending warrant of arrest sa kasong murder sa Tabango, Leyte at kasong Robbery sa Bacoor, Cavite ang salarin.