Advertisers
Ni Archie Liao
NAGING usap-usapan noon ang mga naging pahayag ni Liza Soberano sa kanyang vlog kung saan umani siya ng samu’t saring reaksyon.
Doon na niya ipinahayag kung paano siya kinulong ng love team culture sa bansa na umano’y naglimita sa kanyang potensyal bilang actress.
Ito rin daw ang isa sa dahilan kaya gusto niyang mag-explore sa Hollywood.
Marami naman ang sumama ang loob sa naging pahayag ni Liza kasama na ang ilang ehekutibo ng Dos at maging ang kanyang dating manager.
Ayon sa ex-manager ni Liza na si Ogie Diaz, naniniwala siyang hindi 100% na kay Liza nanggaling lahat ng ideyang nailahad niya sa ‘This is me Vlog’.
Hirit niya, nasulsulan daw ang aktres ng mga taong namamahala ng career nito.
“Ako, para sa akin parang iba e. Parang nadiktahan e. Katulad nung vlog niya, ako hindi ako naniniwala na lahat ‘yun galing kay Liza. ‘Yung mga sinabi niyang ‘yun. May dikta ‘yun,” sey ni Ogie.
Napansin din umano niya ang pagbabago sa aktres na tila hindi na raw niya kilala.