Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGREAK si Jackie Forster sa ‘special reveal’ post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara.
Sa IG ng Kapuso aktres ay picture nilang dalawa ang nakapost at may caption na: “Together with him. Special announcement.”
Palaisipan tuloy kung ano ang special announcement na tinutukoy ng rumored celebrity couple.
Marami ang na-excite at na-curious sa post nina Kobe at Kyline.
Hindi pa malinaw kung tungkol saan ang kanilang announcement pero sa binahagi ni Kobe na picture nila ay maging ang ina niyang si Jackie at kapatid na si Andre Paras ay napa-comment. Sa kabila ng mga sweet photos ng dalawa ay wala pa silang inaamin sa tunay nilang relasyon.
Agad na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanilang mga tagahanga ang posted announcement nina Kyline at Kobe.
Lalong nasabik sa posibilidad na may malalim na kahulugan umano ang ibubulgar nina Kobe at Kyline.
Komento ng netizens: “wow exciting part sweet couple 2024 congrats!”
May nagsasabing “baka endorsement na magkasama sila”
Biro naman ng isang commenter, “ready na yung script ko kapag tinanong ni father na “May nais bang tumutol sa kasalang eto? EME hahaha”
“Sana engagement na eto”
“Sa lahat nga ng nakapareha ni Kyline showbiz man o personal, si Kobe ang super ang lakas ng dating ng pagiging couple nila”
“I agree”
“Omg kilig na naman ang universe”
***
HEART IBIG PANG MAKITA SI ANNE SA MGA FASHION EVENT
IBIG ni Heart Evangelista na makita pa si Anne Curtis sa mga fashion event.
Kering-keri naman kasi ng It’s Showtime TV host-actress ang rumampa sa running way.
Ayon kay Heart, gustung-gusto niyang kaibigan ang Kapamilya actress at makasama sa mga fashion shows.
Sey naman ng netizens, “It seems like everything and everyone in the fashion world is either superficial or artificial.”
Uhmmm…kaya siguro hindi siniseryoso ni Anne ang pagmo-modelling.
“It’s a business not a friendship”
“In fairness magaling talaga si He
Artsy talaga si girl.”
“Si Anne kahit yata sako ipasuot madadala pa rin nya”
“i agree kaya nga niloloko na sya ni vice na todo effort siya, si anne nagsuot ng mukhang pangbahay mas maganda pa dn daw s anne”
“This is a true fashionista. Fun and light, hindi pilit.”
“Two legit fashionista yung hindi pilit. they can carry anything maski pa siguro dahon ng malungay ang design.”
“Tong dalawang to talaga mga fashionista and kikay! Kayang dalhin kahit anong outfit!”
“As per Heart, Anne is a girl’s girl and I can see that definitely!”
Hahaha, kontrabida ang isang commenter, “Si Anne lang, di gaya ng dalawa”
“Anne is not competing naman kasi with Heart. Baka may ngumawa na naman pag nag effort pa si Anne.”
“True! santa santita..”
“same thought”
May nasabi na naman yata kasi si Heart sa video na hindi nagustuhan ng nakapanood.
“Parinig girl na naman”
“Top 2 ko talaga sa showbiz when it comes to fashion eh si 1. Heart and 2. Anne. But I also like VICEs eccentric styles. Kim and her casuals and Nadine’s never nakikiuso style. Kung may bibilin akong clothes, it would be Anne’s.”
“Agree. Di ko keri ung damitan ni Heart pero hands down grabe galing niya sa styling at pagdala ng damit lalo na pag haute Couture.
Si Anne naman hit or miss pero mas madaming hit. Gusto ko din sa kanya ung mga simple pero ang glamorous na outfit
Si Kim ung mga casual wear sobrang bagay sa kanya at long gowns.
Si Nadine walang pakelam kung anong current trend. She wears what she wants at approved yun.
Si Marian bet ko pag simple outfit or mga very Filipino style na outfittan.”