Advertisers

Advertisers

Mayor Honey sa kanyang re-election : “Mga kasama, ipakita natin na ang tunay na liderato ay hindi mapangsarili”

0 53

Advertisers

“MGA kasama, ipakita natin na ang tunay na liderato ay hindi mapangsarili….nagkakapit-bisig at ini-aangat ang bawat kasama. Patunayan natin na ang tunay na lakas ng liderato, ay hindi bunga ng pagkakawatak-watak ng pamilya at kaibigan, kundi sa pagkakaisa.”

SINA Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa isang jampacked na convention ng Asenso Manileño sa San Andres Sports Complex. (JERRY S. TAN)

At sa pamamagitan ng mensaheng ito ay tinanggap ni Mayor Honey Lacuna ang suporta ng Asenso Manileño, ang ruling local party sa Maynila, para tumakbong muli para sa lokal na halalan sa isang taon kung saan si Vice Mayor Yul Servo pa rin ang kanyag Bise Alkalde.



“Sa ngalan ng bawat Manilenyong patuloy na umaasa sa pangako ng ating lungsod; kasama po ni Vice mayor Yul Servo, buong karangalan at kababaang-loob na tinatanggap ko ang inyong muling pagsuporta sa akin, bilang Punong-Lungsod ng minamahal nating Maynila!,” pahayag ng alkalde sa convention ng Asenso Manileño.

Ioinagmalaki ni Lacuna ang mga magagandang bagay na nagawa ng kanyang administrasyon sa unang termino pa lamang at sinabing ito ay hindi dahil sa kanyang pagsisikap lamang kundi sa kolektibong pagsisikap ng mga city officials, employees, Congressmen at City Councilors, maging ng mga taxpayers at mismong mga residente .



“Ipinagmamalaki ko na ang lahat ng ating nagawa para sa ating lungsod, ay kasama kayo. Hindi ko aakuin anumang tagumpay ang nararanasan natin ngayon. Kung ano ang mukha ng Maynila ngayon, ay hindi lamang dahil sa akin, kundi dahil sa ambag ng bawat isa sa inyo sa ating lungsod at sa buhay ng mga mamamayan nito,” pagbibigay diin nito.

Sinabi ni Lacuna na ang kanyang administrasyon ay hindi man perpekto, tinitiyak naman niya na ang landas na tinatahak ng Asenso Manileño team ay base sa kung ano ang “tama at totoo.”



Dahil dito ayx pinasalamatan niya ang mga party stalwarts na Hindi nagkait ng kanilang suporta:”Kay Congressman Manny Lopez, Congressman Rolan Valeriano, Congressman Joel Chua, Congressman Edward Maceda, Congressman Irwin Tieng, at Congressman Benny Abante, sa ating mga konsehal at ka partido na patuloy na naninindigan, Mga kapatid, salamat sa inyong pagtitiwala sa pamilyang Asenso Manileño.”

Sa kanyang bahagi ay sinabi ni Servo na Malaki ang tiwala niya na ang Honey-Yul tandem ay magtatagumpay sa darating na eleksyon, dahil na rin sa dami ng magagandang nagawa nito at sa pagiging consistent nito.

Sinabi ng Bise Alkalde na naniniwala siya na: “at the end of the day, Manilans will choose and prioritize what is best for the city and the welfare of its residents and put their trust on the Honey-Yul leadership.”

“Ang aking hiling sa bawat isa na naririto sa pagtugon sa hamon na ito ay tingnan natin ang bawat isa nang may kalinga, lumaban nang may disiplina, mangibabaw nang may respeto, gumamit ng tapang nang mau pang-unawa, kumilos nang may kasipagan na tila martsa ng isang ina,” saad nito.

Idinagdag pa ni Servo na : Para kay Ate Honey, alam kong hindi mo istilo ang kamera pero ito na ang panahon para makita ng bawat Manileño at mga Pilipino ang katotohanan ng iyong paglilingkod para sa ating minamahal na bayan.” (ANDI GARCIA)