Advertisers

Advertisers

VM Chikee Ocampo, manok ng PFP sa Maynila

0 76

Advertisers

Nagpahayag ng kanyang kagustuhang makapaglingkod ng busilak para sa mga Manilenyo si dating konsehal Pablo ‘Chickee’ Ocampo bilang pangalawang ama ng lungsod o Vice Mayor ng Maynila.

Hinog na hinog na si Ocampo upang mamunong Bise Alkalde ng lungsod.

Sa mga nakalipas na panahon, buhat nang manalo konsehal si Ocampo sa ika-anim na distrito ng



Maynila noong 1992, nakita nito ang lumalalang sakit ng lungsod.

Buhat noon, sinimulan na niyang gumawa ng mga nararapat upang tulungan umangat ang lugmok na Maynila.



Ayon kay Ocampo, hinagad niya talagang tumakbong ‘Bise Alkalde ng Maynila’, dahil na rin sa nakita nitong walang tunay na pagbabagong ibinigay ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod.

“Wala naman tayong nakitang tunay na ibinigay na hanapbuhay sa mga Manilenyo ang Manila Cityhall dahil inuna pa nila ang parking, pagbenta ng mga lupa tulad ng Horrison Plaza, City College of Manila, Divisoria market, na ang dapat inuna ang pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng mga gamot, equipments sa ospital, doktor, nurses, sa lahat ng anim na ospital ng lungsod at hanapbuhay dahil iyan ang mga importante, para maiangat ng tao ang kanilang dignidad upang makapag-uwi ng pera sa kanilang pamilya at mapakain ang mga ito ng tatlong beses maghapon. At iyan ang dapat na totoong tulong,” wika ni Ocampo.



Ipinahayag ni Ocampo na malaki ang pondo ng lungsod, subali’t hindi alam ng mga Manilenyo kung magkano at kung saan napunta ang pinagbentahan ng iba’t-ibang pag-aari ng Maynila dahil wala namang ipinakitang dokumento

“Ang masakit pa po dito wala silang pahintulot sa mga Manilenyo para ibenta ang mga mahahalagang lupa sa lungsod,” dagdag ni Chikee.

“Nais kong ituwid ng tama ang mga mali at maibalik ang mga lupang ibineta dahil mga yaman ito at patrimonial property ng lungsod ng Maynila.”

Sinabi pa ni Chikee Ocampo na kung sakaling papalarin siyang maging Vice Mayor ng Maynila nais niyang magkaisa sila ng konseho dahil ang makikinabang dito ang taumbayan.

Hangad ni Ocampo na sana maging mulat na ang mga Manilenyo at huwag magpasilaw sa mga ipinamumunod ng mga nag-aaastang kandidato na pang personal lamang ang iniisip at hindi ang kapakanan ng taumbayan.

Samantalang, kamakailan itinalaga ni Hon. Reynaldo S. Tamayo, Jr., National President ng Partido Federal ng Pilipinas – Tupi, South Cotabato ang mga bagong opisyal ng PFP-Manila, na sina Chairman Atty. Alexander T. Lopez; mga Executive Committe na sina Co- Chairman Raymond Bagatsing; President Gary Capulong; Vice President Gladina Villar; Secretary General Pablo ‘Chikee’ Ocampo; Treasurer Joey Jamisola; at Auditor Monroe Dimaporo.