Advertisers
NAKADAUPANG- PALAD ng korner na ito ang pamosong kapitan ng Pasay City na si Bgy.Sto Niño chairman Reynaldo Legaspi sa kinober nating Sudokwan launching at oathtaking ng Board of Directors ng bagong samahan ng Sudokwan Association, Inc.sa may Yague, Chino Roces Ave.. sa Makati City.
Ang naturang fighting kap ng Pasay ay isa sa Board of Director ng naturang bagong sports association ay pamoso sa kanyang pagiging fighter partikular sa mga masasamang elemento,alagad ng masasamang bisyo at petty criminals sa kanyang nasasakupan.
Nalinis na niya dati ang kanyang balwarte lalo noong giyera kontra droga at ang mga kabataang nalihis na gustong magbagong buhay ay naipokus niya sa larangan ng sports na nagpabago sa kanilang pananaw sa buhay at napalitan ng pangarap para sa hinaharap.
Pero ngayon ani Kap, nagsusulputang mustulang kabute ang mga msasamang elementong nememerwisyo sa tao mula Pasay-Taft Rotonda hanggang sa me LRT Baclaran.
Panahon na muli aniya para walisin ang mga durugista at tulak na perwisyo sa ating komunidad.
Si fighting kap rin ang nagpaalis ng mga sala-salabat na mga kable ng mga internet co., kuryente at telepono pati paghambalang ng mga vsndors magalit na ang masasagasaabi.
Ito ang seryosong laban ni Kapitan buti na lang kakampi siya ng local LGU.
Katunayan ay suportado siya pati na ang kanyang sports program. MISMO!