Advertisers
KONSINTIDOR ang bansag sa ngayon ng mga mamamayan ng Lungsod ng Pasig sa kanilang Mayor na si Vico Sotto partikular sa Barangay Manggahan dahil sa hindi nito kayang kastiguhin ang Chairman dito na si Quin Cruz kahit saksakan ng daming reklamo.
Alam nyo po ba mga Ka Usapang HAUZ kung bakit “KONSINTIDOR” si MVS? Ganito po iyon ayon sa mga taga Manggahan lalong lalo na ang lugar ng Karangalan Village marami na palang ipinarating na sumbong sa tanggapan ng Alkalde ang mga residente rito dahil sa hindi pagpapagamit ng basketball court ng bagong upong Kapitan Quin Cruz lalong lalo na kung ikaw o ang grupo nyo ay identified na kakampi ng dating Kapitan.
Kung ang theme ng Eat Bulaga ay mula Apari hanggang Jolo ang mga taga Manggahan na galit na kay Mayor MVS ay mula Napico hanggang Karangalan ay kagagawan ng kanyang paboritong konsehal-kapitan Quin Cruz dahil kung ano ang gustuhin nito Oo na lang ng Oo si Yorme, Tutuo po ito Mayor?
Umpisahan na natin kung bakit Konsintidor si Mayor, una base sa mga impormasyon nating nakalap sa mga malalaking grupo ng taga Manggahan partikular ang SBM, Golden 40’s Viente-Bente at iba pa na pawang mga aktibong basketball player ay sapul ng ma-upo bilang kapitan si Quin Cruz ay halos hindi na sila makagamit ng sinasabing sentro at napakagandang basketball court ang Kaalinsabay covered Court na matatagpuan sa Karangalan Village.
Paliwanag ng mga samahan ang dating masaya at puno ng buhay na palaruan ay tila naging himlayan ng mga patay dahil hindi na ito pinagagamit huwag na ang pagpa-Liga yung tipong pang araw araw na pagpapa-pawis na lang hindi lang sa mga kabataan bagkus sa mga may edad, teka baka sabihin ni Kap. Cruz eh tutuong hindi pinagagamit meron po ang larong Volleyball ay prayoridad Mayor Vico.
Iwan na natin mga Ka Usapang HAUZ ang isyu hinggil sa palakasan kasi baka ang gusto beauty contest, tutal kung ayaw ni Kap wala po kayong magagawa “Utos ng Hari di Mababakle” bahala na kayong magpalit sa letter (E) Mayor Vico nais ring iparating ng mga taga Manggahan ang talamak na illegal gambling sa lugar partikular ang EZ-2 kon Jueteng isang alias Mr.B ang siyang tumatayong punong Kabo, bukod pa ang walang solusyong trapiko, bakit wala kang aksiyon dito mayor vico, Nagtatanong lang?
Mas mainam siguro mga Ka Usapang HAUZ na putulin na muna natin ang isyu sa Manggahan baka kasi pagitinuloy pa natin ay hindi magkasya ang isang pahina ng Police Files Tonite sa dami ng problema ng taga rito, ups muntik ko ng malimutan ang isa sa pinaka importanteng bagay ang peace and order, muli raw nagkalat ang ipinagbabawal na gamot sa halos buong lugar wala di umanong ronda team.
Kaya mga Ka Usapang HAUZ nais nating kalampagin ang tanggapan ni Mayor Vico Sotto sa mga problema ng mga taga Manggahan at kung hindi nito kakastiguhin ang maling pamamalakad ng iyong sinasabing paboritong Kapitan ay tutuo ang bagong pangalan mo ngayon si Mayor Konsintidor?
Ikaw din mayor vico baka hindi ka makatapos ng iyong termino at mabilis kang grumaduate, ipakita mong pantay pantay sila ng iyong pagmamahal at walang kinikilingan walang palakasan tama ba Kap. Quin?
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag txt or tumawag sa 09352916036