Advertisers
Ni Archie Liao
SA panayam ni Luis Manzano sa kanyang vlog, idinetalye ng dating beauty queen na si Priscilla Meirelles ang mga bagay na nagma-matter sa kanyang buhay sa kasalukuyan.
Una, dapat daw na maging prayoridad ang pamilya dahil sa huli ay sila raw ang tanging matatakbuhan ng isang tao anuman ang mangyari.
Hirit pa niya, na-miss daw niya talaga ang kanyang mga magulang at mga kamag-anak kaya umuwi siya sa Brazil.
Naging panahon din daw ang kanyang pag-uwi sa kanyang hometown para makapagmuni-muni hinggil sa kanyang mga desisyon sa buhay.
Ikalawa, naging mas ispirituwal daw siya at naging mas malapit sa Diyos.
Pangatlo, na-realize raw niya na kailangang mahalin muna niya ang sarili para makapagmahal nang lubos.
Siya raw kasi iyong tipo ng taong ‘all mine to give’ na ibibigay ang lahat sa taong kanyang minamahal kaya siya ‘naubos.’
Aniya, na-realize rin daw niya na dapat na magtira siya at isipin ang kanyang kapakanan for her self-growth.
Sey pa niya, nagbalik daw siya sa Pinas dahil mahal niya ang bansa na hindi niya basta matatalikuran.
Speaking of Priscilla, naging usap-usapan naman ang kanilang pagsasama kamakailan ni John Estrada nang manood sila ng F1 Grand Prix sa Singapore kasama ang celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.
Sighted din sila sa isang kumalat na group photo sa lounge ng Singapore Grand Prix Paddock Club.
Dahil dito, inurot ang model at ex ni John ng isang netizen kung nagkabalikan na ba sila ng “FPJ”s Batang Quiapo” star.
Maagap namang sinagot ni Priscilla ang isang @terrylann.
Paglilinaw niya: ““Work lang po. Thanks for understanding.
***
NAIBSAN na ang bigat na dinadala sa dibdib ng Vivamax star na si Sunshine Guimary.
Katunayan, masaya siya dahil naging matagumpay ang kanyang breast reduction surgery o pagpapatapyas ng boobs.
Hirit pa niya, ang gaan-gaan daw ng kanyang pakiramdam.
Ito ay inihayag niya sa isang video na viral ngayon sa socmed.
“Kinontrol nila ‘yung bigat and laki,” aniya. “Ngayon pa lang I feel the lighter of my body. So now I want it to be as normal as normal,” dugtong niya.
Nagpasalamat din siya sa mga kapamilya at mga kaibigang nagdasal para sa kanya na maitawid ang nabanggit na procedure sa kanyang bobey.
“To my family, friends & fans thank you for all your prayers, I love you all. I will keep you updated the results,” pahayag niya.