Advertisers

Advertisers

NASAAN ANG SULU?

0 30

Advertisers

KAKATWA ang sitwasyon ngayon ng lalawigan ng Sulu. Unti-unting itinatayo ang Bangsamoro Autonomous Region on Musim Mindanao (BARMM) at gagawin sa Abril, 2025 ang kauna-unahang halalan para sa mga mambabatas na bubuo ng Bangsamoro Parliament.

Ngunit nakakalungkot na nagdesisyon ang Korte Suprema na hindi kasama sa BARMM ang Sulu dahil tumanggi sa isang plebisito ang mga mamamayan ng lalawigan na huwag sumama sa BARMM. Hindi natural na wala ang Sulu sa Muslim Mindanao. Kasama ito dapat sapagkat pawang Muslim ang mamamayan ng Sulu.

Ipinaliwanag ni Mohammad Pendatun, tagapagsalita at cabinet secretary, sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant na plano ng BARMM na magsampa ng motion for reconsideration sa Korte Suprema upang baguhin ang desisyon na nag-itsapuwera sa Sulu bilang kasaping lalawigan sa Bangsamoro autonomous region.



Walang binanggit si Pendatun na bagong katwiran sa motion for reconsideration na isasampa sa Korte Suprema, bagaman binigyang diin ng tagapagsalita ng BARMM na totoong kakatwa ang sitwasyon na wala ang Sulu sa Bangsamoro.

Bukod diyan, nawala ang Sulu bilang kasaping lalawigan sa Region 9, aniya. Ayon kay Pendatun, malaking buwis ang nawala sa Sulu at aabot ito ng mahigit P7 bilyon taon-taon. Dahil hindi ito kasama sa BARMM, mawawala ang buwis na tatanggapin na Sulu.



Inamin ni Pendatun na pinapangarap niya na isama ang Sulu sa BARMM. Hindi katanggap-tanggap na wala sa Sulu sapagkat malaking bahagi ng populasyon nito ang Muslim. Inamin niya na mabigat ang proseso upang magkaroon ng bagong paraan upang ito ay mapabilang sa BARMM. Ito ang malaking suliranin, aniya.
***
MAGLALAYAG mag-isa si Imee Marcos, ang senadora na nakakatandang kapatid ni BBM, sa midterm elections sa 2025. Hindi siya sasailalim sa tiket ng administrasyon sa Senado, aniya. Hindi namin batid kung ano ang gusto niyang patunayan.

Ayon sa mga tagamasid, bahagi ang desisyon ni Imee na tumakbong mag-isa sa political dynamics ng pamilya Marcos. Hindi sila umano magkasundo ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos, ang kanyang hipag. Mababawasan ang suporta sa kanya at hindi kami sigurado kung mananalo siya bilang reeleksiyonista.



Kung ayaw ni Imee, huwag pilitin. Magandang ipalit si Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers kay Imee sa senatorial lineup. Kuwalipikado si Barbers, ang kasalukuyang presiding officer ng QuadComm na kasalukuyang nagsisiyasat sa mga usapin ng bansa.

May sinabing maganda si Edwin Lacierda, ang dating tagapagsalita ni Pnoy noong siya ang nakaupo: “Regardless of how one would characterize the Quadcomm hearings, the fact is it serves the purpose of exposing alleged corruption and impunity that prevailed during the previous administration. The sense one got is so many witnesses are coming out of the woodwork, exposing the…”
***
MAY mga ilang tilamsik ng ginintuang diwa ang talakay ni dating senadora Nikki Coseteng tungkol sa relasyon ng Filipinas at Tsina sa Kapihan sa Kyusi media forum sa Mangan Tila Restaurant noong Linggo. Hindi dapat taglayin ng Filipino ang pagkainis sa mga Chinese dahil bahagi ang Tsina sa malaking bahagi ng kasaysayan ng Filipinas.

Binigyan diin ni Coseteng na kung patuloy ang “prejudice” ng mga Filipino sa anumang bagay na may koneskyon sa China, baka mapahamak ang bansa. Marapat rin na kilalanin ng mga Filipino na malaki ang iniunlad ng Tsina sa agham at pagtatanggol sa sarili.

Hindi pumayag si Coseteng sa mga mungkahi na baguhin ang Saligang Batas ng bansa. Ngunit binigyan pansin niya ang pangangailangan na harapin ng gobyerno ang maraming suliranin sa pambansang kabuhayan. Kailangan upang umunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan, ani Coseteng na nagpahayag na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa 2025.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “The political elite of that overrated southern port city of Davao is aptly called INFERIOR DAVAO. It’s inferior in thoughts, in words, and in deeds. It’s a criminal syndicate, plain and simple. It has created so much mess in our political system to the point that it would take a while to untangle the mess. There is nothing lofty and praiseworthy in that criminal gang.” – PL, netizen, kritiko

“Ang hirap makakuha ng medical assistance nung panahon ni Garma. Ang kailangan ay taga-Davao ka o pumunta ka sa Bong Go Malasakit. Davao Group controlled the funds. May nilapit ako, nabigyan 20k pahirapan thru Chairman Pinili. Andami pa sinabi kesyo si GM lang pwede mag approve. Kaya pala magnanakaw yong GM. Kasabwat si BongGo” – Fe Zamora, netizen, mamamahayag

“[Duterte] created so much mess under his administration. The BBM gov’t has to mobilize the entire bureaucracy to untangle the mess.” – George Medina, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@yahoo.co