Advertisers

Advertisers

KathDen nakiuso sa trending dance challenge

0 23

Advertisers

Ni Jovi Lloza

MARAMING faney ang nagulat sa ginawa ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.

Dahil ang classy na si Kathryn ay napaindak ng todo kasama ang co-stars sa sequel ng Hello Love Goodbye na Hello Love Again.



Kaya ang mga netizen ay napareak sa kakiyan na pag indak ni Kathryn with Alden to the tune of Maybe This Time dance challenge.

Mismong sa Tiktok account ni Alden ay kanya nya itong ibinahagi.

Kaya ang mga faney ay napa react at napatanong kung ano ba raw ang ginawa at pinakain ni Alden at napasayaw niya ng ganun si Kathryn.

Trending naman sa ngayon ang post na dance challenge na Maybe This Time ni Sarah Geronimo.

Till now ang mga faney ay di pa rin makapaniwala na napaindak ni Alden si Kathryn.

***
Gerald Anderson at Julia Barretto sumuporta sa
proclamation rally ni Marjorie



FULL packed ang sumuporta sa team ng Aksyon at Malasakit ng mga Malapitan na sina Mayor Along at Cong. Oca.

Halos hindi mahulugang karayom ang sumuporta sa team Aksyon at Malasakit.

Bukod sa mag-amang Along at Oca Malapitan, ka team din nila na mga tatakbong Senador sa team Aksyon at Malasakit sina Sen.Imee Marcos, Sen. Francis Tolentino, DILG Sec. Benhur Abalos, Mayor Abby Binay, CongWoman Camille Villar at kasama rin sa team sina Mitch Cajayon, Dean Asistio.

Nakasuporta rin ang ilang dating lingkod bayan ng Caloocan na sina Recom Echiverri, Baby Asistio atbpa.

Isa si Marjorie Barretto na magbabalik serbisyo sa Caloocan kaya naman hiyawan at palakpakang umaatikabo.

Mas lalong umingay ang Sports Complex sa pagdating ng couple na Gerald Anderson at Julia Barretto na sumuporta sa kandidatura ng ina.

Well, well, well…’Yun na!