Advertisers

Advertisers

KARNABAL/SUGALAN AT SHABUHAN SA CAVITE CITY AT TANAY!

0 1,357

Advertisers

PASOK na ang Cavite City sa validation para sa Seal of Good Local Governance Award (SGLGA). Katunayan ng pagkilala ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pambihirang katangian, kakayahan ng pamumuno at serbisyo publiko ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod.
\
Ang DILG ang nagbibigay pugay at kumikilala sa mga achievement ng isang lungsod o bayan sa bansa at sa kasaysayan ng siyudad ng Cavite ay ngayon pa lamang nito nakamit ang ganitong uri ng pagkilala at parangal sa ilalim ng pamumuno ni Cavite City Mayor Denver Reyes Chua.

Ang magandang balita ay personal na ipinabatid ni DILG Secretary Benhur Abalos sa kanyang pagbisita sa tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ilang araw pa lamang ang nakararaan, kaya walang pagsidlan ng galak ang alkalde, pamilya nito, malalapit na kaibigan at mga tagasuporta kabilang na ang kanyang bise-alkalde Benzon Releigh Rusit.

Nangangahulugang nagawa ni Mayor Chua na maipakita ang mataas na antas ng paglilingkod ng buong katapatan, maayos at pantay-pantay na pakikitungo sa lahat ng sektor ng lipunan, kakayahang tustusan ang pangangailangan ng mga constituent at kahandaang humarap sa mga malalalim na pagsubok at sakuna.



Kasama din dito ang pagpapanatiling malusog ng kanyang mga mamamayan, pagkakaloob ng kalidad na edukasyon at pagpapanatili ng maunlad na kalakalan sa kanyang pamayanan.

Ngunit sa isang iglap ay tila mababalewala at nakatakdang mabigo si Mayor Chua sa kanyang adhikaing matamo ang pinipithayang pinal na gawad ng SLGGA kapag nadiskubre ni Secretary Abalos ang talamak na operasyon ng pasugalan at kalakalan ng droga sa pusod ng siyudad ni Mayor Chua.



Isang Rommel Masipag ang walang takot na nakapaglatag ng halos lahat na uri ng sugalan sa loob ng kunwari ay karnabal sa kalapit lamang ng Jollibee sa P. Burgos Avenue, Brgy. San Roque na dinudumog di lamang ng sugarol kundi maging ng mga adik na nagumon sa paggamit ng shabu na inilalako ni alyas Rommel Masipag at mga batos nito sa mga pasugalan sa karnabal con sugalan at shabuhan.

Notoryus ang alyas na Rommel Masipag dahil sa kahusayan nito at sigasig na manuhol ng mga police at local government official upang masilaw ang mga ito sa malaking payola o lingguhang intelhencia kapalit ng pulido at walang sagabal na pag-ooperate ng sugalan at drug den tulad ng mimantine nito sa lungsod ni Mayor Chua.



Naniniwala ang SIKRETA na walang alam sa mga nangyayaring kabalbalan na ito ang butihing alkalde, kaya dapat na uriratin nito ang kanyang police chief LtCol. Christopher Guste kung papaanong nakapag-operate ng karnabal con sugalan at drug den si Rommel Masipag.

Maugong ang balita na isang police scalawag na alyas Richard ang bumaraso upang makapaglatag doon ng permanente o puesto pijo na karnabal con gambling/drug den si alyas Rommel Masipag.

Pakilala ni alyas Richard ay bagman ito ng tanggapan ni Cavite PNP Provincial Director Col. Eleuterio Ricardo Jr. at may bendisyon ang kanyang boss upang bigyan ng go signal si alyas Rommel Masipag na makapag -operate doon ng labag sa batas na negosyo.

Kaya ang nangyari tuloy ay nganga lang sina LtCol. Guste at ang kanyang mga pulis sa kailegalan ni alyas Rommel Masipag sa takot na mainit sila kay PD Col. Ricardo Jr?

Sa munisipalidad ni Tanay, Rizal Mayor Lito Tanjuatco ay pinagpipistahan din ang karnabal na pulos sugalan na ang itinatampok na pang engganyo sa mga namamasyal na residente kabilang na ang mga menor de edad at mga estudyante.

Ang matindi pa nito, ang karnabal na naipalatag ng gambling operator na si alyas Elmer ay katabi lang ng Sampaloc Police Substation o presinto na minamantine ng mga tauhan ni Tanay Police Chief LtCol. Norman Cas-oy.

Nagmumukha tuloy mga inutil ang mga Tanay police na nakatalaga doon pati na si LtCol. Cas-oy pagkat hindi lamang lahat na uri ng card at table games tulad ng color games, beto-beto, drop ball ang kinalolokohan doon ng mga sugarol kundi pati na ang shabu na inilalako ng tauhan ni alyas Elmer sa isa sa mga kubol ng naturang karnabal.

Imposibleng hindi pa nakakarating sa kaalaman ito ni Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Marragun pagkat nasa tabi nga lamang ng Brgy. Sampaloc Police Substation ngunit ang nakapagtataka ay hindi niya ito pinaaksyunan.

Pakitutukan nyo Region 4A PNP Director BGen. Paul Kenneth Lucas ang inirereklamong mga gambling con drug den na ito sa Cavite City at sa bayan ng Tanay, Rizal bago pa makarating ang ulat na ito kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144