Advertisers

Advertisers

3 off duty police nanghuli sa checkpoint: 2 biktima missing, pinasisibak sa serbisyo

0 24

Advertisers

PINASISIBAK sa serbisyo ng Philippine National Police – Internal Affair Service (PNP-IAS) ang tatlong pulis, at pagsuspinde sa isa pa na sangkot sa pagkawala ng dalawang lalaki na hinuli sa isang checkpoint sa Imus, Cavite noong Hulyo 2023.

Ayon kay PNP – IAS Inspector General Brigido Dulay, sa isinagawang imbestigasyon, natuklasan na ang nasabing mga pulis na sangkot ay off duty at wala silang otoridad na magsagawa ng checkpoint.

Itinanggi ng mga pulis ang akusasyon na wala silang inaresto sa checkpoint noong Hulyo 13, 2023.

Pero sa kuha ng CCTV footage, hinarang ng mga individual na nakasibilyan, na nakilalang mga pulis at ‘di umano’y mga sibilyan force multiplier, ang dalawang lalaki na sakay sa isang motorsiklo kasama ang ibang motorista sa isang checkpoint, at iniwan ng kanilang mga kasamahan.

Nakitang dinala ang dalawang bikitma ng mga pulis at kanilang kasama. Ito ang pagkakataon na huling nakitang buhay ang 2 biktima.

Inamin ng mga kasamahan ng mga pulis na hinuli ang mga biktima dahil sa diumamo’y pagdadala ng marijuana at drug paraphernalias, nguni’t walang opisyal na rekord o pag-turnover ng mga nakuhang ebidensiya.

Kinasuhan ang mga nasabing pulis ng administratibo dahil sa paglalagay ng hindi awtorisadong checkpoint, arbitrary detention, kabiguan i-turnover ang mga inarestong mga biktima sa tamang awtoridad sa loob ng makatwirang panahon, kabiguan isumite ang mga nasamsam na item at sapilitan pagkawala ng 2 biktima.

“Hindi nating pahihintulutan ang anumang pang aabuso sa kapangyarihan o maling pag uugaling, lalo na mula sa mga pulos na may tungkuling protektahan ang pagsilbihan ang publiko, nakauniporme man sila o hindi,” pahayag ni Dulay.