Advertisers

Advertisers

Lalaking nanggahasa ng 10 babae timbog

0 13

Advertisers

Inaresto ang isang lalaki na nag-aalok umano sa social media ng trabaho pero nauuwi sa panggagahasa.

Ayon sa sumbong ng mga biktima, kinikikilan pa sila ng suspek dahil kinukuhanan nito ng video ang mga ginagawang kahalayan.

Arestado ng pulisya ang suspek nitong Miyerkules, Oktubre 2, nang magtago sa isang ospital sa Maynila.



Sinabi ni Police Brig. Gen. Arnold Ibay, Director ng Manila Police District, na modus ng suspek na alukin ng trabaho ang mga babae gamit ang ninakaw na social media account ng isa rin babae at kapag naniwala ang biktima papupuntahin nito sa isang kwarto sa isang hotel. Dito umano naghihintay ang babaeng recruiter.

Kwento ng mga biktima, pinapainom sila ng softdrinks ng suspek na tila may nakalagay na droga kaya nawawala sila sa sarili.

Bukod sa panggagahasa, ninanakawan din ng suspek ang mga biktima.

Ani Ibay, inamin ng suspek na nasa 10 hanggang 15 babae na ang nabiktima nito.

Dagdag pa, hina-hack din umano ng suspek ang social media account ng biktima at ipinapadala sa mga kaanak ang hubad nitong larawan at video para makapangikil.



Napag-alaman ng pulisya na mayroo nang pitong warrant of arrest ang suspek sa mga kasong ilegal na droga, pagnanakaw, panggahasa at child abuse.

Hinikayat naman ni Ibay ang iba pang biktima na magtungo sa kanilang tanggapan para makapagsampa rin ng kaso.(Jocelyn Domenden)