Advertisers

Advertisers

Montero ‘nagwala’: 3 kabataan patay!

0 346

Advertisers

Patay ang tatlong binatilyo nang mahagip ng sasakyan habang sakay sa motorsiklo sa Liloan, Southern Leyte.
Kinilala ang mga biktima na sina Mark Vincent Ortega, 17; Francis Soledad Palo, 17; at Dave Ortega, 15, pawang ng Barangay Anilao, Liloan, Southern Leyte.
Naka-hospital arrest naman ang driver ng Mitsubishi Montero na kinilalang si Judy Lasala Maamo, nasa hustong gulang, ng Saint Bernard, Southern Leyte.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente 8:00 ng gabi sa national highway sa Barangay Poblacion, Liloan, Southern Leyte.
Sa report, sakay ang mga biktima sa skeleton na motorsiklo at binabaybay ang lugar habang nasa kabilang linya naman si Maamo na minamaneho ang Montero na may plakang AXA-8228 .
Bigla na lamang nawalan ng kontrol sa manibela si Maamo at napunta ito sa linya ng mga biktima dahilan para mahagip ang tatlong binatilyo.
Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang mga biktima sa kalsada at nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang ulo na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.
Nahaharap sa patung-patong kaso si Maamo at wala rin itong naipakitang driver’s license.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.