Advertisers

Advertisers

3 negosyante tinumba sa Isabela at Baguio

0 29

Advertisers

Nasawi ang tatlong negosyante kabilang ang 66-anyos na babae sa magkahiwalay na pag-atake ng armadong grupo sa San Manuel, Isabela at Baguio City noong Biyernes.

Sa report ng Isa­bela Police, ang mga biktimang sina Lordwin Ganio at Christian Acierto; pawang negsoyante ng karne at taga-Brgy. San Andres, Cabatuan, Isabela; na binawian ng buhay sa pagamutan sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.



Sa report, magde-deliver lang sana ang mga biktima ng karne nang harangin ng nag-iisang armadong salarin na nakasuot ng kulay itim na jacket, shortpan at naka-helmet na lulan ng motorsikklo sa bahagi ng highway ng Brgy. District 1, San Manuel, Isabela nitong Biyernes ng umaga.

Pansamantalang ­bumaba ang isa sa mga biktima sa kanilang behikulo para bumili sa tindahan nang biglang sumulpot ang salarin na hinarang ang kanilang sasak­yan. Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril na agad nitong pinaputukan ng sunud-sunod ang mga biktima na hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.



Sa isa pang insidente, sinaksak ng mga hinihinalang akyat-bahay gang ang negos­yanteng lola na si Cosia Fernandez, 66-anyos, matapos nilang pasukin sa kanyang tahanan sa Middle San Carlos Heights, Brgy. Irisan, Baguio City nitong Biyernes.

Natagpuan na may mga saksak sa dibdib ang biktima na hinahabol ang paghinga nang saklolohan ng kaniyang mga kapitbahay at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.



Bago nasawi, naibulong pa ng biktima ang “takaw” na sa salitang Ilocano na  “robbery” o pagnanakaw.