Advertisers

Advertisers

MAY KASUNOD SA KUMPISAL NI ROYINA

0 127

Advertisers

HINDI tapos ang salita ni Col. Royina Garma sa QuadComm, ang apat na komite sa Camara de Representante na sama-samang nagsisiyasat sa pumalpak na digmaan kontra droga ni Gongdi. Sa kanyang affidavit na binasa sa harap ng public hearing ng QuadComm, nilinaw ni Garma na handa siyang muling magbigay ng impormasyon sa executive session at supplemental affidavit. Tuloy ang kumpisal, sa maikli.

Lubhang malalim ang isyu ng war on drugs ni Gongdi na ikinasawi ng hindi bababa sa 6,000 katao. Umpisa palang ang unang affidavit na isinumite s Quadcomm at ipinaliwanag niya na layon niya na magbigay ng karagdagang affidavit sa sandaling sumagi sa kanyang alaala ang ibang detalye ng giyera kontra droga.

Ayon kay Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers, presiding officer, na bahagi sa tungkulin ng QuadComm na maghanap ng ibang testimonya na nagbibigay liwanag sa war on drugs ni Gongdi at ang mga extrajudicial killings (EJKs). Tingnan natin kung ano pa na idadagdag na detalye ni Garma. Matagal niyang kasama ang mga nasa likod ng war on drugs.



Teka nga pala, sinabi ni Barbers na itutuloy ng QuadComm ang kanilang public hearing sa Miyerkules o Huwebes. Inaayos pa ng secretariat ang lineup ng mga saksi at resource persons na haharap sa QuadComm. Binubuo ang QuadComm ng apat na komite sa Camara – illegal drugs, public safety and order, public accounts, at human rights.

Tandaan na nag-isyu ng walong pahina na affidavit si SPO4 Arturo Lascanas noong Pebrero, 2017. Ngunit ng lumikas siya at kanyang pamilya sa isang bansa sa Europa, nag-isyu siyan ng 188-pahina na supplemental affidavit kung saan sinabi niya ang kanyang nalalaman sa war on drugs ni Duterte at Davao Death Squad (DDS), a murder group ni Gongdi.



***

MAYROON mahigit 11,000 ang mga Filipino na nagtatrabaho sa Lebanon, ang bansang kalaban ngayon sa isang digmaan. Nasa Level 3 ngayon ang estado ng mobilization ng gobyerno, ayon kay Hanz Cacdac, kalihim ng Department of Migrant Filipinos sa isang pulong balitaan ng Saturday News Forum. Ang ibig sabihin ay voluntary repatriation ito, aniya. Nasa pasya ng isang OFW (overseas Filipino worker) kung gusto niya na umuwi sa Filipinas.



Tutulungan ng gobyerno ang sinuman na gustong umuwi sa bansa. Ngayon, nasa 570 OFW ang gustong umuwi hanggang sa katapusan ng buwan, ani Cacdac. Nanatili sila sa ilang lugar sa Lebanon at lilipad sila pauwi. Ipinaliwanag ni Cacdac na walang Filipino manggagawa ang nasaktan, namatay, o nabihag at nakulong sa gitna g digmaan sa Lebanon.

Maingat ang Israel sa kanilang pagbomba sa mga piling bahagi ng katimugan ng Lebanon, ani Cacdac. Ipinaliwanag niya na nahahati ang Lebanon sa iba’t-ibang lugar. May mga lugar na pawang Kristiyanong Lebanese ang nakatira; mayroon din para s Sunni Muslim at Shiite Muslim, aniya. Hindi binomba ng Israel ang mga lugar para sa mga Kristiyano at Sunni Muslim, aniya.

Mainit ang Israel sa mga lugar na kilalang para sa mga Shiite Muslim. Dito kasi nagtatago ang mga lider ng Hezbollah, ang militanteng grupo na nagpapakawala ng mga rocket tungo Israel. Mahigpit ang monitoring sa mga lugar na iyon at nagpapakawala lang ng bomba ang Israel kung saan may hinihinalang lider ng Hezbollah, ani Cacdac.

***

NGAYON pa lang mainit na mainit na ang nakatakdang labanan nina Gongdi at Karlo Nograles sa pagka-alkalde ng Davao City. Inamin ni Karlo na hindi madali ang desisyon niya na nagbitiw sa Civil Service Commission upang tumakbo at labanan si Gongdi. May natitirang limang taon si Karlo sa CSC, ngunit pinili niyang magbitiw, umuwi sa Davao City, at labanan si Gongdi.

Maraming suliranin sa Davao City, aniya. Lumubha ang mga suliranin sa serbisyo publiko, aniya. Napabayaan ng mga Duterte ang siyudad, aniya. Maraming humikayat sa kanya na umuwi sa Davao City at ayusin ang siyudad, aniya. Hindi makapaghintay ang siyudad, aniya. Humihingi siya ng mga mamamayan ng Davao City.

May pananaw na “proxy war” ito ni BBM na sumusuporta kay Karlo at Gongdi na bumitiw na kay BBM. Hindi ito totoo, ani Karlo. Tumatakbo siyang independent at hindi siya sumasailalim sa anumang lapian pulitika, aniya. Wala akong plano na maging partisan politics ang aming labanan, ani Karlo. Gusto ko lang bigyan ng pagpipilian ang mga mamamayan, aniya.

Mahusay ang record ni Karlo bilang lingkod bayan. Kongresista niya ng dalawang termino at hinirang siyang Cabinet secretary ni Gongdi. Noong 2021, hinirang siya ni Gongdi bilang chair ng CSC. Marami siyang plano sa CSC pero mas matindi ang hiling sa kanya ng mga taga-Davao City na umuwi siya sa lungsod ang ayusin ang mga problema nito.

***

POST ko ito sa social media: “In the first information, which the Samahang Magdalo submitted on April 16, 2017 to the International Criminal Court (ICC) through the late Jude Sabio, Col. Edilberto Leonardo was prominently mentioned as among the PNP officials, who were deeply involved in and behind the spate of EJKs in connection with Gongdi’s bloody but ill-fated war on drugs. Col. Royina Garma confirmed the allegation in the 8th meeting of QuadComm.

***

MGA PILING SALITA: “Support for the drug war was out of fear. Even the poor, who were victims of EJKs, supported it. But another survey showed Filipinos overwhelmingly rejected the killings. The drug problem was never solved despite the killings, a clear violation of human rights.” – Manuel Mogato, netizen, mamamahayag

“Noong 2018, tinakot ng ispiker noon na si Pantaleon Alvarez na ibaba sa P1,000 ang itinakdang budget para sa Commission on Human Rights (CHR). Ang ibig sabihin nito, hindi patatakbuhin ang CHR bilang isang ahensya ng gobyerno. Kontra kasi ang CHR sa mga EJKs noon. Lampas sa P600 milyon ang orihinal na budget na isinumite ng DBM sa Kongreso. Lahat ng mga bastos at masasakit na salita, ibinato noon ni Gongdi at Alvares kay CHR chair Chito Gascon at CHR. Pero hindi rin nila nagawa ang maitim na balak. Naibalik sa dati ang CHR budget. Puro sila satsat. Pero walang nangyari. Iyong isang kaibigan kong Chinoy, tinawag silang mga ‘Mindanao bulies.’ Puro kahol pero walang kagat.” – PL, netizen, kritiko