Advertisers

Advertisers

Pasig City Engineering Department ‘di na masaya sa palakad ni Mayor Vico Sotto?

0 137

Advertisers

Gaano katutuo mga Ka Usapang HAUZ na tila ayaw na sa palakad ng “Magaling at Simpatikong” Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga tauhan ng Engineering Office sa kanyang pamamalakad, ito ay dahil umano sa ginagawang panggigipit sa mga negosyante partikular ang Construction business?

Ang lahat ng ito mga Ka Usapang HAUZ ay ayon sa naging pahayag ng isa sa biktima ni Mayor Vico Sotto ng panggigipit na si Engr. Selwyn Lao na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya (ang kanyang construction business) na makakuha ng kaukulang permit sa paghahanapbuhay mula sa City Hall. bakit?

Malamang kung ang mga tauhan ng City Engineering Office ay napipilitan na lang magsagawa ng kanilang tungkulin ay posibleng pati na rin ang iba pang empleyado mula sa ibang departamento hindi na masaya sa palakad at siguradong ang mga sipsip sa tumbong ng Mayor ang masigasig sa pagganap sa kanilang trabaho, di bale konting tiis na lang halos 7 buwan na lang at baka bye bye na sa puwesto si yorme Sotto.



Eto pa mga Ka Usapang HAUZ sa Pasig, mula ng magsagawa ng pagtulong tulad ng medical mission, pamimigay ng ayuda maging ang pagpapaliga ay ginawa na rin at libreng concert ay naging mainit na ang dugo ni yorme Sotto sa St. Gerrand General Contractor and Development Corporation. huh construction firm na naman ang pinaginitan!

Silip dito silip duon, hanap permit, silip permit, tila ayaw ni Mayor Vico Sotto na sumaya kahit saglit na oras ang mga Pasigueno kaya ang libreng concert ay baka hindi na maulit, kulang na lang pati ang pagsasagawa ng medical mission, feeding program at iba pa ay kuhanan ng kaukulang permit.



Kaya ang dati’y panaginip lang ni Mayor Vico ngayon ay “Bangungot” na dahil ang walang kabalak balak na tumakbo bilang Alkalde ng Pasig na si Sarah Discaya may-ari ng St.Gerrand General Contractor and Development ay naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) kamakailan ito ay dahil na rin sa kahilingan ng mamamayan ng Pasig.

Asahan pa mga Ka Usapang HAUZ na puputaktihin pa ng kung ano-anong issue para masira ang kredibilidad ni Discaya tulad na lang ng usaping pagdawit sa St. Gerrard Company na may joint venture sa Commission on Election (Comelec).



Dahil dito minabuti ni Curlee Discaya mister ni Mayoralty Candidate Sarah na siya ring Chief Executive officer ng kumpanya na magbigay ng pahayag at sinabi nito na wala na silang kinalaman sa sinasabing joint venture sa Comelec.

Marami palang ikinaso itong si Yorme mga Ka Usapang HAUZ sa St. Gerrand subalit pawang mga binasura ng korte maliban sa tatlo pa na tila sing liit ng mga kuto na pawang occupancy cases lang.

Tuloy nyo lang ang pagtulong St. Gerrand Construction para sa mga mahihirap na Pasigueno at sa pagpalit ng taon sa Mayo ang Mayoralty Candidate Ate Sarah Discaya ay tawagin ng Pasig City Mayor na.

Ops teka muna muntik ng makalimutan mga Ka Usapang HAUZ na kung tutuo na muling nagpaparamdam itong si Mayor Vico Sotto sa mga taga Media partikular ang naka beat sa Eastern Part ng Metro Manila, dahil daw ng mga nakalipas na taon sapul ng maluklok bilang mayor ay binalewala na umano nito ang mga beat reporters. Ganun ba kasi may problema kaya kailangan na?

Pahabol issue baka sabihin ng paboritong konsehal-kapitan ni Mayor Vico na si Manggahan Chairman Quin Cruz ay hanggang batikos lang po tayo, pinabuksan na ang Kaalinsabay Basketball Covered Court at pinagamit na sa publiko at sa katunayan ay may magaganap ng liga ng Volleyball at Basketball kaya lang ang parating sa Usapang HAUZ ay may bayad ang paggamit ng court. Tutuo po ba Chairman magkano?

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036