Advertisers

Advertisers

Mababaw na dahilan ng Comelec sa pagdeklarang nuisance candidate – Engr. Toto Causing ibalik sa listahan ng kandidato sa pagka-Senador!

0 29

Advertisers

Pilit at tila napakababaw na dahilan ang inilabas na alituntunin ng Commission on Election (Comelec) upang ideklarang Nuisance Candidate ang dating Mamamahayag, Editor, Abogado at ngayo’y Engineer Bertini “Toto” Causing para sa posisyong Senador.

Ayon sa mg taga suporta ni Causing nararapat lamang na ibalik sa opisyal na listahan ang kanyang pangalan sa talaan ng Comelec na Kandidato bilang Senador para na rin sa karapatan at Demokrasya sa ating bansa.

Maganda sana ang mga panimulang pahayag ng COMELEC Law Department sa motu proprio petition nito para ideklarang “nuisance candidate” si KaBUNYOG Engr. Bertini “Toto” Causing.



Una, sinabi ng COMELEC Law Dept na ang Senado ay napakaimportanteng institusyon dahil binubuo ito ng mga lider na pambansa ang prestihiyo at pananaw at pinagmumulan ito ng mga posibleng susunod na Presidente at Bise-Presidente ng bansa.

Kaya, dagdag ng Comelec Law Dept, dapat umano na ang mga kumakandidato at nauupo sa Senado ay mga di matatawaran ang kakayahan at integridad.



“Tama ang mga sinabing iyan ng COMELEC. Pero mali na iyon ang ginagamit nilang dahilan para ideklarang “nuisance candidate” si Engr. Toto.,” ito ay diin ni Atty. Ricky Tomotorgo, unang nominee ng Bunyog Partylist.

Ayon sa COMELEC, dahil na-disbar sa pagka-abogado si Engr.Toto, wala na itong integridad, at sa pagtakbo niya bilang kandidato sa Senado, ginagawa niyang katatawanan at mababa ang tingin sa prosesong elektoral.



“Wow, napakadalisay ng mga tinuran ng COMELEC. Kaya lamang, kung totoo sila sa gayon, bakit si Quiboloy ay sinama nila sa mga kwalipikado umanong tumakbo sa Senado? At bakit marami ang hinahayaan nilang tumakbo na may mga kasong kriminal, mandarambong, at iba pang malalalang kaso,” diin pa ni Atty. Tokotorgo.

“Totoo, si Engr. Toto ay na-disbar sa pagka-abogado. Pero COMELEC na mismo ang nagbanggit sa petition nito na kaya siya na-disbar ay dahil pinost niya sa Facebook ang pleadings ng kasong plunder na isinampa niya laban sa corrupt na pulitiko at mga opisyal sa kanilang lugar sa Mindanao,” dagdag pa ni Atty. Tomotorgo.

“Hindi siya na-disbar dahil sa imoralidad o pangloloko sa kanyang mga kliyente. Ang pagkaka-disbar niya ay dahil sa ganti sa kanya ng mga kinasuhan niya ng pandarambong at katiwalian,” dagdag pa ng No. 1 nominee ng Bunyog.

“Kaya mali rin ang isa pang binanggit ng COMELEC na dahilan para ituring siyang ‘nuisance candidate’. Hindi umano nila nagustuhan ang ‘pakulo’ (antics) at ginawi ni Engr. Toto nang sinabi nito nang tinanong ng media na “badge of valor” niya pa ang pagkaka-disbar,” sabi pa ni Atty. Tokotorgo.

“Pero ang ibig niya lang namang sabihin doon ay hindi niya kinakahiya na na-disbar siya dahil nga sa nabanggit na konteksto ng disbarment niya,” dugto ng pa ng Bunyog No. 1 nominee.

“Hindi ginagawang katatawanan ni Engr. Toto ang eleksyon. Hindi rin siya panggulo sa elektoral na proseso. Hindi siya “nuisance” na kandidato.”

“Siya ay may prinsipyo, may plataporma at may Partido. Isa siya sa dalawang kandidato sa Senado ng BUNYOG (Pagkakaisa) Party.”

“Seryosong naghahanda na sa buong bansa at maging sa labas ng bansa at napakaaktibo sa social media ng Partido BUNYOG.”

“Hindi man ito Partido na malakas ang makinarya at umaapaw ang pondo tulad ng mga tradisyunal na mga partido ng mga trapo, pero puno naman ito ng prinsipyo at determinasyon na ilaban ang mga kandidato nito, kasama na si Engr. Toto.”

“Nakakadismaya na sa paghahangad ng BUNYOG Party na lumahok sa pulititika kahit pa batid nitong mahirap ang laban ay ituturing pa ng COMELEC na ‘nuisance’ ang isa sa mga kandidato ng Partido.”

“Mahirap man ang aming laban ay seryoso naman kami sa aming prinsipyo at pinaglalaban.”

“Malaking insulto sa amin na litratong nagpapatawa o nanggugulo ang isa naming kasamahang kandidato.”

“Kaya nananawagan kami sa COMELEC: Bawiin ang pagturing kay Engr. Berteni ‘Toto’ Causing na ‘nuisance candidate’ at ibalik ang pangalan niya sa mga opisyal na kandidato sa Senado. Ito ay para sa pagkilala sa kanyang karapatan at sa aming Partido BUNYOG at sa pagtataguyod ng demokrasya sa ating bayan.” (Cesar Barquilla)